Ai Ai delas Alas kampante sa relasyon nila ni Gerald Sibayan

Ai Ai delas Alas kampante sa relasyon nila ni Gerald Sibayan: Alam ko na hindi niya ako papalitan

Pauline del Rosario |July 27,2023
facebook
share this

Ai Ai delas Alas kampante sa relasyon nila ni Gerald Sibayan: Alam ko na hindi niya ako papalitan

Pauline del Rosario - July 27, 2023 - 04:01 PM

Ai Ai delas Alas kampante sa relasyon nila ni Gerald Sibayan: Alam ko na hindi niya ako papalitan

PHOTO: Instagram/@msaiaidelasalas

SA isang dekadang pagsasama, sinigurado ng Comedy Concert Queen na si AiAi Delas Alas na solid pa rin ang relasyon nila ng mister na si Gerald Sibayan.

‘Yan ang sinabi ni AiAi sa programang “Fast Talk with Tito Boy” habang iniisa-isa niya ang kanyang “10 Golden Rules” pagdating sa buhay, lovelife at karera.

Isa sa mga nabanggit niya ay ang, “Huwag pumatol sa asawa na may asawa. Ang makati ay lugar sa kamaynilaan, huwag ugaliin. Ito lang ay kamutin.”

Kaugnay naman niyan ay bigla siyang tinanong ng King of Talk na si Boy Abunda kung ano ang kanyang ginagawa sakaling may umaaligid sa kanyang asawa.

Ang sagot ng komedyana, ito ay agad niyang tine-text at tinatanong.

Baka Bet Mo: Ai Ai delas Alas, Gerald Sibayan bigong makabuo ng baby sa pamamagitan ng IVF, napaiyak sa presscon ng ‘Litrato’

Sabay usisa ng TV host kung ano ang mga nagiging usapan nila ni AiAi at ‘nung babaeng nagte-text kay Gerald.

Kwento ng aktres, “Sinasabi ko, ‘natutulog na ‘yung asawa ko. Sino ka ba bakit ka nagtetext?’, ‘ay wala naman po’, ‘oh wala ka naman palang gusto e bakit nagtetext ka pa?’, ‘ay sige po, sorry po thank you po.’ Ganun.”

Nag-follow up ulit ng tanong si Tito Boy kung nakaranas na ba si AiAi na mangompronta ng babae.

Ayon sa komedyana, hindi na umaabot sa ganung sitwasyon dahil ito raw ay nauunahan na niya agad.

“Wala pa. Pero may mga pinagseselosan ako, mabait kasi si Gerald e. So wala naman akong problema sa ganun,” sey ni AiAi.

Paliwanag pa niya, “Selosa lang ako kaya ako nakikipag-confrontation. Kumbaga, masisimulan pa lang, inuunahan ko na.”

Inamin din ng Comedy Concert Queen na kampante siya na may matibay silang relasyon ni Gerald kaya naniniwala siyang hindi siya iiwan nito.

Sambit niya, “Hindi naman kailangan ng assurance kasi nakikita ko naman na mag-nine years na kami, ten years na kami.”

“So doon sa pagsasama namin na malapit na kami mag ten years ay wala naman akong nakita. Medyo minsan nalulubak pero alam ko na hindi niya ako papalitan.”

Related Chika:

AiAi delas Alas, Gerald Sibayan lumipad pa-Amerika para sa renewal of vows

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ai Ai, Gerald tuloy na ang pagtira sa US; balak ding magbuntis sa pamamagitan ng surrogacy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending