Ai Ai miss na miss na si Gerald: Blessed ako na kahit matagal na kami, mahal pa rin namin ang isa't isa | Bandera

Ai Ai miss na miss na si Gerald: Blessed ako na kahit matagal na kami, mahal pa rin namin ang isa’t isa

Ervin Santiago |February 20,2022
facebook
share this

Ai Ai miss na miss na si Gerald: Blessed ako na kahit matagal na kami, mahal pa rin namin ang isa’t isa

Ervin Santiago - February 20, 2022 - 03:24 PM

Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan

ILANG araw pa lamang ang nakalilipas mula nang makauwi siya sa Pilipinas galing Amerika ay miss na miss na miss na raw niya ang asawang si Gerald Sibayan.

Kinailangan munang bumalik ng Comedy Concert Queen sa bansa para sa bago niyang project sa GMA, ang upcoming family drama series na “Raising Mamay”.

Kaya naman pansamantala muna niyang iniwan ang asawang si Gerald sa US para sa nasabing proyekto. Ani Ai Ai, kailangan nilang magsakripisyo para sa mga commitments niya sa Kapuso Network.

Inamin naman ng Kapuso comedienne na hindi pa man siya nagtatagal sa Pilipinas ay super miss na niya si Gerald.

Sa kanyang Instagram page, nag-post si Ai Ai ng litrato na may mensaheng, “Miss ko na sobra ‘tong lalaki na ‘to… Tuwing kausap ko ‘to parati akong natatawa (sa sobrang karakter niya) or naiiyak (sa sobrang miss pero wala kang choice).

View this post on Instagram

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)


“Blessed ako na kahit matagal na kami, mahal pa rin naming ang isa’t isa.

“Kaya naniniwala na ako ngayon na mayroon talagang tao na nilaan ang Diyos na para sa ‘yo. Na kalahati mo, na makakasama mo sa buhay, na magiging masaya ka at payapa.

“Salamat Lord sa blessing na ito. Labyu my darl,” ang sey pa ni Ai Ai sa caption ng kanyang IG post.

Samantala, hindi raw nagdalawang-isip ang komedyana na tanggapin ang “Raising Mamay” at sobrang nagpapasalamat siya sa GMA dahil sa kanya ipinagkatiwala ang serye.

“Parang project talaga ‘to na gift sa akin ni Lord kasi, first of all, thank you so much sa GMA kasi napakaganda ng istorya. Mahirap ‘yung role. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Binabasa ko pa lang ‘yung script, umiiyak na ako, as in, very heartwarming. Masasabi mo na, ‘wow’ ang ganda nitong palabas na ‘to,” ani Ai Ai.

Ai Ai sa pagiging single mom noon: Isa ‘yun sa pinakamahirap na moment sa buhay ko!

Ai Ai, Gerald tuloy na ang pagtira sa US; balak ding magbuntis sa pamamagitan ng surrogacy

Ai-ai delas Alas may bwelta rin kay Andoy Ranay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending