JoshLia 'di nagpaalam sa mga dyowa nang gawin ang 'Un/Happy'

JoshLia hindi nagpaalam sa mga dyowa nang gawin ang reunion movie

Ervin Santiago - July 15, 2024 - 12:05 AM

JoshLia hindi nagpaalam sa mga dyowa nang gawin ang reunion movie

Julia Barretto at Joshua Garcia

OBVIOUSLY, pareho nang maligaya at kuntento ang ex-couple na sina Julia Barretto at Joshua Garcia sa kani-kanilang personal na buhay.

Ito ang dahilan kung bakit pumayag silang magsama muli sa isang pelikula kahit na alam nilang pagpipiyestahan na naman ang kanilang past relationship.

Siniguro rin ng dating magdyowa na walang problema sa kani-kanilang karelasyon ngayon ang muli nilang pagtatambal sa reunion movie nilang “Un/Happy For You” mula sa Star Cinema at Viva Films.

Baka Bet Mo: Pokwang may pasabog na open letter para sa COVID-19; pandemic hugot ni Winwyn: It’s hard and scary

Going strong pa rin ang relasyon ni Julia sa Kapamilya actor na si Gerald Anderson, habang kasisimula pa lamang ng love story ni Joshua at ng girlfriend niyang French-Filipino athlete na si Emilienne Vigier.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa naganap na presscon ng naturang pelikula nitong July 10, ay natanong sila kung nakaapekto ba sa kanilang respective partners ang kanilang “pagbabalikan”.

Sagot ni Julia, “I believe, Josh and I are both in our secure place in our lives. Kahit na gumawa pa kami ng 10 pelikula, ang intensiyon naman nu’n, e, hindi para makasira ng isang magandang bagay.

“Siguro, we are both in secure positions in our lives. We are fine, we’re okay. Tingnan niyo, ang saya naming natapos yung Un/Happy For You. Lahat ng nasa paligid namin, masaya para sa amin, minamahal pa rin kami,” pahayag ng aktres.

Um-agree naman si Joshua sa kanyang leading lady, “Actually, kami po ni Juls, parang ano, e, parang iba na yung approach namin sa work. This time, mas professional, we know our boundaries na rin.”

Baka Bet Mo: 5 ‘isnaberong’ taxi driver inaresto ng LTO, iba pang tsuper binalaan

Hindi rin daw nagpaalam ang aktor sa kanyang partner bago gawin ang movie nila ni Julia, “Hindi ako nag-ask sa partner ko kasi bago pa kami magkakilala, alam niya na pagiging aktor na yung trabaho ko. She’s just very supportive about du’n sa movie.”

Iikot ang kuwento ng “Un/Happy For You” sa dating magdyowa na sina Juancho (Joshua) at Zy (Julia) na muling pagtatagpuin ng tadhana kasunod ang sumbatan at ungkatan ng past.

Sabi nina Joshua at Julia, hindi na sila nahirapan sa mga intense scenes dahil humugot talaga sila ng emosyon sa kanilang personal experiences.

Ayon kay Joshua, “Hindi maiwasan na humugot sa past, but I think bilang actor, nasa sa iyo na rin yun kung paano mo siya babawasan yung nararamdaman mo. Just to protect yourself lang din dun sa pain na naramdaman mo.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Para naman kay Julia, “Ayoko naman i-spoil masyado yung naging process namin ni Josh. Kasi isa siyang intimate one na kami lang talaga magkakaintindihan habang ginagawa namin to.

“But siguro, ginawa namin inspiration mas lalo yung happy memories namin noong kami pa,” dagdag ng aktres.

Matatandaang unang sumikat ang loveteam nina Joshua at Julia sa pelikulang “Vince, Kath, and James” noong 2016.

Nasundan pa ito ng “Love You To The Stars and Back”, “Unexpectedly Yours”, “I Love You, Hater” at “Black Z”. Nakagawa rin sila ng teleserye sa ABS-CBN, ang “Ngayon at Kailanman” noong 2018.

Sa tanong kung na-miss nila ang isa’t isa, sey ni Joshua, “Na-miss ko na may kaeksena na naiintindihan yung nararamdaman ko, alam mo yun?Lumalabas siya sa screen talaga. Na-miss ko yung mga tawanan namin.”

Tugon ni Julia, “Parang over the years, nag-evolve na kami as people and actors as well. So, it’s nice that we’ve grown in those past years as we come together and we get to learn new things about each other and from each other while we’re working.

“Ang dali ng trabaho kapag may pagkakaintindihan na kayo lang makakaintindi sa proseso na yun. It’s special. It’s different,” dagdag pa ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na sa mga sinehan nationwide ang “Un/Happy For You” simula sa August 14. Ito’y mula sa direksyon ni Petersen Vargas. Kasama rin sa movie sina Nonie Buencamino, Ketchup Eusebio, John Lapus, Kaila Estrada, Aljon Mendoza, Bong Gonzales, Ana Abad Santos, and Meann Espinosa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending