Pokwang may pasabog na open letter para sa COVID-19; pandemic hugot ni Winwyn: It's hard and scary | Bandera

Pokwang may pasabog na open letter para sa COVID-19; pandemic hugot ni Winwyn: It’s hard and scary

Ervin Santiago |January 13,2022
facebook
share this

Pokwang may pasabog na open letter para sa COVID-19; pandemic hugot ni Winwyn: It’s hard and scary

Ervin Santiago - January 13, 2022 - 07:30 AM

Winwyn Marquez at Pokwang

HALOS sabay na nag-post sa social media ng kani-kanilang hugot patungkol sa COVID-19 ang mga Kapuso stars na sina Winwyn Marquez at Pokwang.

Sa Instagram post ni Winwyn na kasalukuyang nagdadalang-tao ngayon, nagpahiwatig siya ng tila pakikipaglaban din niya sa COVID.

Hindi diretsahang binanggit ng dating beauty queen kung tinamaan din siya ng virus pero nagpaalala siya sa publiko na triplehin ang pag-iingat ngayon at sumunod sa lahat ng health protocols.

Sa IG photo na ibinahagi ng Reina Hispanoamericana 2017, makikitang nakahiga siya sa loob ng kanyang kuwarto katabi ang isang air purifier.

Aniya sa caption, “It’s hard and scary. Nakakapagod pero laban lang and stay optimistic. (praying hands emoji).

“I pray hindi lahat maka-experience nito and sa mga tinamaan ay sana lahat gumaling na.. lagi ko nga sinasabi sa sarili ko na all will be well and after nito mabibigyan lalo natin ng importance yung mga bagay na dati ay binabaliwala lang,” dagdag pa niyang pahayag.

Sa huli, nanawagan siya sa lahat ng mga hindi pa bakunado na magpabakuna na para maiwasang magkasakit nang malala kapag nahawa ng virus.

“Get vaccinated, drink your vitamins, mag mask, safely distance yourself from others, test agad at mag isolate pag may naramdaman and contact agad ng fam and ng doctor niyo,” paalala ni WinWyn.

View this post on Instagram

A post shared by Teresita Ssen Winwyn Marquez (@teresitassen)


Samantala, sinabi naman ni Pokwang na six days na siyang naka-isolate kasabay ng pagbabahagi ng kanyang open letter para sa COVID-19.

Pahayag ng komedyana, “Dear Covid doo bee dap dap…eto ako nagpapaaraw para lumakas muli at makabawi, ika 6 days kona ng isolation buti nalang bakunado ako kaya kinaya kita ng bongga!

“Sa mga tinamaan ni pareng Covid doo bee dap dap wag panghinaan ng loob lalo na kapag may pamilya tayong umaasa satin, Laban lang mga mahal ko, dasal at tiwala lang kay God oki?

“Inom ng maraming tubig, vitamins i doble, suob, wag na muna lalabas kung may nararamdaman na symptoms. Mag isolate agad agad, oki kapit lang #ibakapagmaybakuna,” mensahe pa ni Pokey.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

Winwyn gustong sampalin ng waitress: OMG! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko!?

Winwyn baby girl ang unang magiging anak; ayaw pa ring ipakita ang mukha ng dyowa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending