5 ‘isnaberong’ taxi driver inaresto ng LTO, iba pang tsuper binalaan
ARESTADO ang limang taxi drivers matapos tumangging magsakay ng mga pasaherong kakagaling lang sa kani-kanilang probinsya.
Sa isang pahayag na inilabas ng Land Transportation Office (LTO) ang panghuhuli ay nangyari sa kasagsaganan ng kanilang operasyon sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at sa Pasay City.
Ito raw ay bahagi ng kanilang implementasyon na tinatawag nilang “Oplan Isnabero.”
Ayon pa kay LTO-NCR-West Director Roque Verzosa, nais nilang maging ligtas ang mga commuters.
“Patuloy rin na magsasagawa ng operasyon ang ahensya upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan sa daan,” sey ni Verzosa.
Ipinaliwanag pa ni Verzosa na may nakatakdang parusa para rito alisunod sa Joint Administrative Order No. 2014-01.
“Refusal to render service to the public or convey passenger to destination ranges from P5,000 up to P15,000 and cancellation of the Certificate of Public Conveyance (CPC),” saad ng LTO.
Dahil diyan ay muling pinaaalalahanan ng ahensya ang mga taxi driver na gampanan nang maayos ang kanilang responsibilidad sa mga pasahero, lalo na’t mas dumarami pa ang mga nangangailangan ng pampublikong transportasyon.
Sa isinagawang “Oplan Isnabero” mula January 3 hanggang January 5, idineploy ang mga LTO enforcer sa mga bus terminal upang matiyak na hindi tatanggihan ng mga taxi driver ang mga pasaherong uuwi ng mga probinsya.
Read more:
Lolit ipinagtanggol si Rep. Claudine sa mga bashers matapos ang magarbong kasal
Kris Bernal ikinasal na kay Perry Choi; suot na wedding gown 9 months ginawa ni Mak Tumang
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.