Kris Bernal ikinasal na kay Perry Choi; suot na wedding gown 9 months ginawa ni Mak Tumang | Bandera

Kris Bernal ikinasal na kay Perry Choi; suot na wedding gown 9 months ginawa ni Mak Tumang

Ervin Santiago - September 26, 2021 - 09:38 AM

Kris Bernal at Perry Choi

SA WAKAS, natuloy na rin kahapon ang kasal ng actress-entrepreneur na si Kris Bernal at ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Perry Choi.

Naganap ang wedding sa St. Alphonsus Mary de Liguori Parish sa Makati City. Napanood nang live ang church ceremony sa pamamagitan ng YouTube channel ni Kris.

Ilang litrato na kuha sa kasalan ang ibinahagi ng Nice Print Photography sa social media kabilang na ang paglalakad ng aktres patungo sa altar ng simbahan.

Ang hit song ni Yeng Constatino na “Ikaw” ang pinatugtog sa background base na rin sa napanood naming video.

In fairness, ang ganda-ganda ni Kris sa suot niyang Mak Tumang wedding gown. Talagang nagmistulang prinsesa ang aktres sa araw ng kanyang kasal na noon pa niya pinapangarap.

“First look. Our beautiful bride today @krisbernal #perrytalenikris,” ang nakalagay na caption sa mga IG photos.

Mismong si Kris na ang nagsabi na halos siyam na buwan ginawa ni Mak Tumang ang kanyang gown, “Of course, considering the style and intricacies that I had envisioned, creating my ideal dress took some time.”

Nauna nang sinabi ni Kris na nagdesisyon na sila ni Perry na ituloy ang kanilang pag-iisang dibdib kahit na hindi talaga ito ang kanyang dream wedding.

Aniya, ang mahalaga ay mabasbasan na ng simbahan ang relasyon at pagsasama nila ni Perry at magsama na sa iisang bubong.

Dinaluhan ng kani-kanilang pamilya ang seremonya at ng ilang malalapit na kaibigan.

Kung matatandaan, unang in-announce nina Kris at Perry na magaganap ang kanilang kasal nitong nagdaang June ngunit hindi nga natuloy dahil sa bigla uling pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.

“I remember it was April, when a sudden surge in COVID-19 cases happened and it reached around 12k or 15k a day so we decided to move our wedding instead,” pahayag ni Kris.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“After careful consultation with our families, friends, and suppliers, it’s with deep sadness and heavy hearts that we had to move the wedding to a later date because of the coronavirus surge,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending