Leo Almodal dismayado sa evening gown ni CJ Opiaza

Leo Almodal dismayado sa gown ni CJ Opiaza, may pinapasaringan?

Therese Arceo - October 26, 2024 - 10:36 PM

Leo Almodal dismayado sa gown ni CJ Opiaza, may pinapasaringan?

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang pagpuna ng Filipino fashion designer na si Leo Almodal sa isinuot na evening gown ni CJ Opiaza sa nagdaang coronation night ng Miss Grand International 2024.

Sa ngayon ay tila deleted na ang Facebook pos kung saan inisa-isa nito ang kanyang mga komento o mga napuna sa naging detalye ng kandidata ng Pilipinas na siyang nagwagi bilang 1st runner-up.

Ang gown na pinuna ni Leo ay gawa ng kapwa fashion designer na si Mak Tumang na kilalang gumawa ng evening gown ni Catriona Gray noong Miss Universe 2018.

Aniya, may apat siyang napansing “mali” sa detalye ng gown ng dalaga.

Baka Bet Mo: CJ Opiaza waging 1st runner-up sa Miss Grand International 2024

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ani Leo, nagmukha raw flat-chested si CJ gayong pwede namang maglagay sana ng seamless pads. Nawala rin daw ang curves ni CJ dahil mahaba at straight raw ang bandang torso ng gown at tila nagmukha raw itong “tuod”.

Bukod pa rito, maiksi raw ang gown at short heels ang isinuot nito kaya nagmukha siyang “pandak” kapag itinabi sa ibang contestants. Hindi rin daw bagay ang rose gold belt na “bilang sumulpot” at “out of place” raw.

Kaya naman marami sa mga netizens ang nag-react na nagresulta rin ng pag-trending ni Mak Tumang.

“Mak Tumang is really a hit or miss no? Catriona was all hands on the deck kaya maayos ang kanya pati execution,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Honestly, for me maganda yung gown except for the Cape. Maybe, Hindi lang bagay sa kanya ang gown for her body and shape like if it was worn by Pia or Catriona it would’ve been nice.”

“Leo’s gowns are always beaded to the point na mukhang mabigat sa paningin. So before nya criticize si Tumang, perhaps tumingin muna sya sa gowns nya na almost same lang naman halos ang template?” hirit naman ng isa.

Sa kabila ng mga batikos ay may mga pumuri naman sa naturang fashion designer.

“Sooooo beautiful Mak you are and always a legend!!! Thank you for your gift and talent. We are so proud of you!” sey ng isang netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chika naman ng isa, “Ang ganda sabi ko na nga ba pangabog. Pinagpray ko tlga kanina makuha sa top ten si Cj, kasi gusto ko makita suot yun gown nya.”

“Woow! Another creation from you sir. Cj never fail you for helping her. She executed so well. The gown she looks like an angel,” papuri naman ng isa.

Wala pa namang sagot o pahayag si Mak Tumang tungkol sa kumakalat na post.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending