Barbie sa bashers: Basta alam mong wala kang ginagawang masama!
HANGGA’T keribels, ayaw nang magpaapekto ni Barbie Imperial sa mga chaka at kanegahang ibinabato sa kanya ng bashers sa social media.
Ito’y sa gitna nga ng chika na may namamagitan na raw something sa kanila ni Richard Gutierrez at siya na raw ang ipinalit ng Kapamilya actor sa estranged wife nitong si Sarah Lahbati.
Sa pagharap ni Barbie sa ilang members ng entertainment media para sa presscon ng latest movie niyang “How To Slay A Nepo Baby” last Thursday, July 17, walang nagtanong tungkol sa kanila ni Richard.
Kaya naman todo ang pasalamat niya sa mga um-attend sa presscon ng kanilang pelikula at na-appreciate raw niya ang respetong ipinagkaloob sa kanya ng mga reporter.
Baka Bet Mo: Lolit may bwelta sa mga nakikiepal sa lovelife ni Kris: Basta mahal mo ipagmalaki mo, ipaalam mo sa buong bayan
Sabi ng aktres, sa lahat ng mga natatanggap niyang batikos at pang-ookray ay mas nagpo-focus na lang siya sa mga positibong bagay at tina-try niyang huwag magpaapekto sa mga ito.
View this post on Instagram
“Parang lahat ng nakikita, kahit isang anggulo lang, puro negative. Actually, kapag nagbukas ka ng social media, parang kahit ang ganda ng ginawa nung tao sa isang bagay, may negative pa rin talaga.
“So, I think yung secret talaga, maging positive ka, as long as alam mo sa sarili mo na wala kang ginagawang masama. Hayaan mo silang magsalita.
“Basta ang focus ko lang talaga, magtrabaho at siyempre, maibigay ko yung mga pangangailangan ng mom ko and okay na po ako doo ,” paliwanag ni Barbie.
Sa tanong kung bakit ang ganda-ganda, ang sexy-sexy at super blooming siya ngayon, “Madalas po akong mag-workout ngayon, mag-exercise, mag-tennis.
Baka Bet Mo: Bitoy halos 3 dekada na sa GMA: Basta you care about each other, hindi mo pipiliin na umalis pa
“Tapos lagi ko po itong sinasabi kasi marami po ang nagtatanong kung bakit ako pumayat. Ise-share ko po sa inyo, baka makatulong.
“Tinanggal ko po rung rice, pero puwede po kayong bumili ng shirataki. Hindi ko po siya business. Para lang makatulong, shirataki rice po, kasi wala siyang masyadong sugar talaga.
“So, yun po ang ginagamit ko na rice tapos normal lang yung ulam ko. Kahit anong ulam, basta yun ang rice. Kasi yung sugar talaga ang nakakaano sa weight ko, so tinanggal ko,” aniya pa.
Samantala, literal na slay ang mapapanood n’yo sa pagbabalik pelikula nina Barbie Imperial at Sue Ramirez kasama ang kanilang barkada.
Panoorin ang grupo ng entitled rich kids na harapin ang bingit ng kamatayan sa “How To Slay A Nepo Baby” na mapapanood na sa mga sinehan ngayong July 31.
Isang grupo ng mayamang magkakaibigan ang babyahe pa-norte papuntang Sagada para magcelebrate ng kanilang work anniversary.
View this post on Instagram
Sina Ada, ang “Queen Bee” at lider ng kanilang grupo; si J, isang influencer at boyfriend ni Ada; si Bella, isang model; ang kambal na sina Kel at Sho, na mula isang mayamang pamilya na may lahing Espanyol; at si Cass, ang pinakabagong miyembro ng kanilang grupo.
Mga spoiled rich kids na mataas ang tingin sa mga sarili kahit na lahat ay umaasa naman sa yaman ng kanilang mga magulang. Mga “nepo baby” kung tawagin ng mga Gen Z sa panahon ngayon.
Plano nilang magkaroon ng isang careless, carefree, at wild na gabi at magpapakalunod at magpapakalasing sa alak at bisyo.
Pero nakabantay sa kanila si Yayo, kasambahay nina Cass, at pagbabawalan sila nito na gumawa ng kung anong kalokohan. Kakausapin naman nina Ada at Cass si Yayo sa pagiging kill joy nito, pero magiging matindi ang kanilang pagdidiskusyon at mauuwi sa kapahamakan ang buhay ni Yayo.
Pero laking gulat nina Ada and Cass nang makabalik sila sa kanilang mga kaibigan dahil nandito muli si Yayo, maayos, ni walang galos at parang walang nangyari.
Kukumbinsihin rin ni Yayo ang grupo na magpunta sa liblib na lugar ng Lunti, isang tagong komunidad na pinamumunuan ng isang misteryosang babae na si Inayon.
Sasalubong sa magkakaibigan ang mga hindi pangkaraniwang tradisyon at pamumuhay dito, isang lugar na nababalot ng dilim at kababalaghan, at puno ng mga bagay na hindi basta-basta maipaliwanag.
Sa pagtagal ng mapapalagi nila sa Lunti ay mas napapalapit sila sa panganib, at bawat segundo na nandoon sila ay parang isang bangungot na hindi kayang takasan.
Anong gagawin ng anim na magkakaibigan sa lugar kung saan walang silbi ang kanilang estado at yaman? Makaalis pa kaya sila ng Lunti, o ito na ang kanilang katapusan?
Mula sa Viva Films at Happy Infinite Productions, ang “How To Slay A Nepo Baby” ay pelikula ng FAMAS nominated screenwriter at multi-awarded director na si Rod Marmol.
Bibida rin dito sina Phi Palmos, JC Galano, Charm Aranton, Chaye Mogg, Sue Prado, NAIA Ching, Ralph Gomez, Phi Gomez, at Coi Suazo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.