Star-studded na 7th EDDYS mapapanood sa ALLTV sa July 14
NAGING matagumpay ang naganap na 7th The EDDYS nitong Hulyo 7, 2024, na ginanap sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts, sa Pasay City.
Star-studded ang Gabi ng Parangal para sa ika-7 edisyon ng The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa pangunguna ng mga bituing nagwagi sa major acting awards.
Mapapanood ang kabuuan ng pinag-usapang 7th The EDDYS ngayong Linggo, July 14, 10 p.m. sa ALLTV mula sa direksyon ni Eric Quizon.
Present sa maningning na Gabi ng Parangal si Julia Montes na siyang nagwaging best actress para sa pelikulang “Five Breakups And A Romance” at si Piolo Pascual na itinanghal namang best actor para sa “Mallari.” Hindi naman nakarating si Charlie Dizon na naka-tie ni Julia para sa pelikulang “Third World Romance.”
Bukod dito, ginawaran din sina Julia at Piolo bilang Box-Office Heroes matapos tumabo sa takilya ang kanilang mga pelikula kasama ang Kapuso Primetime King & Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa “Rewind” at Kathryn Bernardo para naman sa “A Very Good Girl.”
Baka Bet Mo: Janine, Gabbi, Jake sanib-pwersa bilang host ng 7th EDDYS sa July 7
Personal ding tinanggap ng mga EDDYS Icons ngayong taon na sina Nova Villa, Leo Martinez, Eva Darren at Gina Alajar ang kanilang mga tropeo. Ang ikalimang awardee na si Sen. Lito Lapid ay hindi nakarating ngunit naroon ang kanyang pamangking si Atty. DX Lapid bilang representative.
Ngayong taon, itinanghal ang pelikulang “About Us But Not About Us” bilang Best Film mula sa The IdeaFirst Company, Octoberian Films at Quantum Films at Best Director si Jun Robles Lana para pa rin sa “About Us But Not About Us.”
Ang Best Supporting Actress award ay naiuwi ni Gladys Reyes para sa “Apag” at ang Best Supporting Actor ay iginawad kay Enchong Dee para sa “GomBurZa”.
Nagsilbing host ang itinanghal na Best Actress sa 6th EDDYS na si Janine Gutierrez (para sa pelikulang Bakit Di Mo Sabihin?) kasama ang Kapuso Millennial It Girl na si Gabbi Garcia at movie at TV actor Jake Ejercito.
Nagkaroon ng espesyal na pagtatanghal sa 7th EDDYS ang award-winning singer na si Jed Madela, Ultimate Singer-Songwriter Ogie Alcasid, drag queens Rampa Reynas at ng mga promising young artists na sina Elisha Ponti at Andrea Gutierrez.
Nagsilbing Red Carpet host naman ang veteran radio-online personality na si Mr. Fu.
Ilan sa mga naging presenters sa awards night ay ang acting winners ng 6th The EDDYS — best actor Elijah Canlas, ang ka-tie ni Janine bilang best actress na si Max Eigenmann, best supporting actor na si Mon Confiado, at best supporting actress na si Nikki Valdez.
Nag-present din ng awards sina Sen. Bong Revilla, Congresswoman Lani Mercado, Cedrick Juan, James Reid, Direk Jose Javier Reyes, Joross Gamboa, Arnell Ignacio, RS Francisco, Liza Reyes ng Globe Telecoms, Kelley Day, Michael Sager, Jeric Gonzales, Franki Russell, Christophe Sommereux, Beaver Magtalas, Khai Flores, Shaira Tweg, at ang acting director ng PCSO na si Imelda Papin.
Naroon din si Korina Sanchez na binigyan ng Joe Quirino Award habang tinanggap naman ng magkapatid na CJ at Peach Caparas ang posthumous award para sa kanilang yumaonh amang si Direk Carlo J. Caparas.
Dumalo rin ang director-producer na si Perci Intalan na siyang tumanggap ng mga tropeo para sa mga awards ng “About Us But Not About Us” at ang producer ng “Mallari” na si Bryan Dy ng Mentorque Productions na siyang itinanghal na Rising Producer of the Year.
Tinanggap ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson at former House Speaker Sonny Belmonte (para sa anak niyang si Quezon City Mayor Joy Belmonte) ang Isah V. Red award.
Present din ang aktor na si Leandro Baldemor na siyang nagdisenyo at lumikha ng bagong tropeo ng The EDDYS.
Ilan sa mga nominado sa iba’t ibang kategorya ay dumalo rin sa awards night kabilang na sina Romnick Sarmenta, Cedric Juan at Keempee de Leon.
Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts at ALLTV, naging kaagapay din ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom at iFern/Kim’s Diary.
Katuwang din ng grupo ngayong taon si DILG Secretary Benhur Abalos, Mayor Albee Benitez, Beautéderm ni Rhea-Anicoche Tan, Unilab, Frontrow, Kat Corpus Atelier, Sen. Chiz Escudero, Sen. Bong Revilla, Camille Villar, Sen. Nancy Binay, former Ilocos Sur Governor Chavit Singson, Rep. Arjo Atayde, Emelette Gorospe, Rowena Gutierrez, Kamiseta, Casa Juan, at ang Echo Jham Entertainment Production.
Nagsilbi namang official auditor ang Juancho Robles, Chan Robles & Company (CPAs).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.