Ivana hindi totoong may ‘attitude problem’, sey ng talent manager

Ivana hindi totoong may ‘attitude problem’ kaya aalis na sa ‘Batang Quiapo’

Pauline del Rosario - July 12, 2024 - 04:54 PM

Ivana hindi totoong may ‘attitude problem’ kaya aalis na sa ‘Batang Quiapo’

PHOTO: Instagram/@ivanaalawi

ITINANGGI ng kampo ni Ivana Alawi ang kumakalat na chikang may “attitude problem” ang actress-vlogger kaya tuluyan nang lalayasan ang “FPJ’s Batang Quiapo.”

Paglilinaw ng kanyang talent manager na si Perry Lansigan, may prior commitments ito na kailangang tuparin.

Ang bagong update na ‘yan ay ibinandera ni DJ Jhaiho sa “Showbiz Sidelines” ng “Teleradyo Serbisyo” noong July 8.

Magugunitang naging usap-usapan kamakailan lang ang naging chika ng isang personal assistant na madalas ay hindi available for taping si Ivana at hindi mapakiusapang mag-extended ng oras upang matapos na ang mga eksena kaya raw ito tsutsugihin sa BQ.

Baka Bet Mo: Ivana natatakot pa rin kapag nagba-vlog sa kalye: Pwede akong sapakin!

“Kumakalat ngayon online na attitude itong si Ivana at kaya mawawala sa ‘Batang Quiapo’ ay dahil sa kanyang pag-aattitude,” sey ni DJ Jhaiho kay Perry sa pamamagitan ng text.

Ang reply raw sa kanya ng manager, “From the very start… three months lang dapat talaga ang kanyang pagii-stay sa nasabing teleserye. Three months ang kanilang napagkasunduan at um-okay si Ivana.”

@djjhaiho EXCLUSIVE!!! Agad agad na SAGOT sa kumakalat na chikang ATTITUDE daw itong si @Ivana Alawi kaya aalisin sa seryeng Batang Quiapo!!! Dito na tayo Mon to Fri 9-10pm sa Showbiz Sidelines sa DWPM @Radyo 630 ♬ original sound – JhaiHo

Naikuwento rin ni Perry na ang pag-uusap ni Ivana at staff ng nasabing serye ay nangyari noon pang Agosto ng nakaraang taon, kung kailan ikinasal ang dating love team ni Coco Martin na si Lovi Poe.

“Pero dahil nag-click ang tambalan ni Bubbles at ni Tanggol, na-extend nang na-extend at nadagdagan pa ng maraming taping,” saad niya sa pagtatambal ng aktres at ni Coco.

“Hanggang sa hindi na po kinaya ng schedule bilang meron din pong mga prior commitment si Ivana—mga shoots, vlogs, etc.—na na-oohan ng kanyang management,” patuloy pa ng talent manager

Giit pa niya, “Hindi na kakayanin talaga ni Ivana.”

Nabanggit din ni Perry na nag-adjust na nga si Ivana sa ilang proyekto niya para matupad pa rin ang kanyang commitments sa “Batang Quiapo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinabi rin niya na ang last day ni Ivana sa taping ng teleserye ay ngayong araw, July 12.

As of this writing, wala pang inilalabas na pahayag si Ivana at ang production team ng “Batang Quiapo” kaugnay sa kumakalat na isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending