DJ Jhaiho may mga patutsada kay Alora Sasam?

DJ Jhaiho trending ang mga patutsada sa socmed, para nga ba kay Alora Sasam?

Pauline del Rosario |December 18,2023
facebook
share this

DJ Jhaiho trending ang mga patutsada sa socmed, para nga ba kay Alora Sasam?

Pauline del Rosario - December 18, 2023 - 02:48 PM

DJ Jhaiho trending ang mga patutsada sa socmed, para nga ba kay Alora Sasam?

DJ Jhaiho, Alora Sasam

TRENDING ang mga pasabog na patutsada ng TV host at komedyanteng si DJ Jhaiho sa social media.

Wala siyang binanggit na pangalan, pero maraming netizens ang naniniwala na para ito sa actress-comedienne na si Alora Sasam.

Naging usap-usapan din sa socmed si Alora dahil sa pag-unfollow niya sa aktor na si Daniel Padilla, pati na rin ang binibitawan niyang makahulugan na komento o post kaugnay sa hiwalayang KathNiel.

“Teka?!!! Ang ganda ng gising ko pero bakit may nakiki unfollow??? at sumasawsaw???” unang tweet ni DJ Jhaiho.

Baka Bet Mo: Alora pinagsabihan ang netizen: ‘Wag panghimasukan kapag wala kang nalalaman

Kasunod niyan ay nagkaroon pa ng pa-blind item ang TV host tungkol sa isang girl na gigil sa kamag-anak ng isang lalaki.

Post niya sa X (dating Twitter), “Sino itong Girl na narinig sa isang event na chumika sa mga ibang artista na anlakas ng boses kesyo pag nakikita daw niya ang mga kamag-anak ni BOY na sikat eh GIGIL siya?”

Dagdag pa niya, “CLUE si GIRL ay diumano SAWSAWERA as per mga fans at TRENDING SIYA not once but twice.”

“DIKO Kasi gets talaga as if hindi siya pinakitunguhan ng GUY ediba naki barkada din naman siya,” paliwanag niya.

Patuloy pa niya, “Gets na mas close ka sa isa pero as if walang magandang nagawa at pakikitungo sayo para ganyanin mo? te! kung tunay kang friend mag-break man both sila protektahan mo.”

Baka Bet Mo: Joshua Garcia tinuksu-tukso ni Alora Sasam: Konti pa lang ang lalaking nakakita ng bilbil ko, so pwede na ba tayo ma-link?

Tila may iniwan pang advice si DJ Jhaiho para sa mga may mga kaibigan na naghihiwalay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kapag may naghihiwalay, hayaan natin na sila mismo mag-heal sa kaniya-kaniyang proseso,” sambit niya.

Mensahe pa niya, “Sa mga Friends sa paligid wag na ho tayong gumawa ng actions para sirain ang isa sa kanila. Hindi natin alam parepareho ang puno’t dulo.”

“Dagdag ko lang dito. Kahit nga alam natin ang kwento PILIIN natin na WAG na magpa involved sa maling paraan. Maging kaibigan tayo na nakikinig at mgbigay payo sa kanilang dalawa at walang kampihan pa,” aniyapa.

Hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon mula kay DJ Jhaiho kung si Alora nga ba ang pinatatamaan niya sa kanyang posts.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending