PBBM binuking relasyon nina Josh, Bimby kay FL Liza

PBBM binuking relasyon nina Josh, Bimby kay FL Liza: She’s their aunt!

Pauline del Rosario - July 11, 2024 - 10:33 AM

PBBM binuking relasyon nina Josh, Bimby kay FL Liza: She’s their aunt!

President Bongbong Marcos, FL Liza Marcos, Josh and Bimby Aquino

KAMAKAILAN lang, marami ang natuwa sa litrato ni First Lady Liza Marcos kasama ang dalawang anak ni Kris Aquino na si Josh at Bimby.

Binisita kasi ng magkapatid ang kanilang tiyahin sa loob ng compound ng Malacañang Palace nang makauwi dito sa Pilipinas.

Yes, yes, yes mga ka-BANDERA, tiyahin o auntie nila ang First Lady!

At ang rebelasyon na ‘yan ay mismong si Pangulong Bongbong Marcos ang nagbunyag sa isang interview with media reporters na ibinandera ng News5.

“The reports did not say is that Liza is their aunt,” sey ng presidente.

Paliwanag niya, “Dahil ang kanyang auntie (youngest sister ni FL na si Rosario Cacho) ay napangasawa si Don Pepe [Cojuangco], the eldest brother of Cory. So, they are related.”

Baka Bet Mo: FL Liza Marcos binisita ng 2 anak ni Kris: ‘The world is healing!’

“Kaya’t hindi naman nakakapagtaka, kilalang kilala niya ‘yung mga pamangkin niya very well,” wika pa niya.

Kasunod niyan ay nabanggit ni PBBM na bumisita ang mga anak ni Kris upang magpasalamat at magbigay ng pasalubong.

“And so, they came at nagbiyahe sila, bumalik may dalang pasalubong. Iyon lang naman. Dinala nila ‘yung pasalubong kay First Lady,” sambit ni Pangulong Bongbong.

Nang usisain kung ano ang ibinigay na tulong ni FL Liza sa pamilya ng Queen of All Media.

“It was just to help them for their travel arrangements. Tumulong si First Lady at ‘yun lang. Sabi lang magpapasalamat sila,” esplika ng Chief Executive.

Pinuri pa nga ng pangulo ang pagbisita ng magkapatid sa kanyang misis: “I think it was a very fine gesture on the part of the Aquino family.”

“I think it sort of put a little more personal, a human interaction between our families,” saad pa niya.

Nilinaw rin niya na kahit nagkakabanggaan sa politika ang pamilyang Marcos at pamilyang Aquino ay okay naman ang relasyon nila sa isa’t-isa.

“We’ve always been okay. We just don’t agree politically,” paglilinaw ni PBBM.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magugunitang masayang ibinandera ni FL Liza ang litrato niya kasama sina Josh at Bimb at ang caption: “Thank you Bimby and Josh for dropping by. It was so nice to see you guys after all these years.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending