Dennis hinding-hindi magsasalita ng masama laban sa ABS-CBN

Dennis hinding-hindi magsasalita ng masama laban sa ABS-CBN

Reggee Bonoan - July 02, 2024 - 12:53 PM

Dennis hinding-hindi magsasalita ng masama laban sa ABS-CBN

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo

NANINIWALA ang mga tagasuporta ni Dennis Trillo na hindi siya ang sumagot sa tanong ng isang netizen na may kaugnayan sa ABS-CBN.

Nag-viral ang isang TikTok video ni Dennis kung saan sinagot niya ang tanong ng netizen na, “Kuya dennis sana masagot mo ito bakit wala si ma’am Jen (Jennylyn Mercado) sa GMA STATION ID at totoo ba na lilipat na siya sa ABC CBN?”

Ang diretsahang sagot ng aktor, “May ABS pa ba?”

Baka Bet Mo: Jennylyn Mercado, Dennis Trillo ipinasilip na sa publiko ang mukha ni Baby Dylan

Kasunod nga nito ang kaliwa’t kanang  pagbatikos sa aktor na karamihan ay nagsabing napakawalang respeto nito sa dati niyang mother network.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny)


May ilan pa ngang bashers ang nagmura at pinaratangan si Dennis na walang utang na loob. Deleted na ang komento sa TikTok post ni Dennis at hindi na rin allowed ang magkomento.

Ang siste, na-hack pala ang Tiktok account ng asawa ni Jennylyn Mercado at walang kamalay-malay ang aktor sa ginawang pakikialam ng hacker sa kanyang social media account.

Naglabas ng official statement ang talent management ni Dennis na Aguila Entertainment hinggil sa hacking incident.

“We would like to inform the public that Dennis Trillo’s Tiktok account has been hacked around noontime today, July 1, 2024.

“There we some comments made using his name and we assure everyone that it was not his doing.

Baka Bet Mo: Dennis Trillo ibinandera ang pagmamahal kay Jennylyn Mercado, super thankful sa aktres

“It is very unlikely of Dennis to make such remarks and he is a person who has nothing but kindness and respect in his heart.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny)


“We are currently fixing the matter to avoid this incident from happening again.

“Thank you.”

Base rin sa pagkakakilala namin sa aktor ay hindi siya ganito sumagot dahil lagi itong may respeto sa kapwa. Kaya naglabas din ng reaksyon si Jan na ginawan ng pekeng post si Dennis.

Nauna na naming naibalita ang tungkol dito kahapon kung saan sinabi ni Jam na nakakaaalarma na ang mga fake news ngayon.

Nasabi ni Jan ang fake news dahil kumalat din ang balita na iiwan na raw ni Jennylyn ang GMA 7, ang network na nakadiskubre sa kanya sa pamamagitan ng “StarStruck” Season 1 noong 2003.

Sabi ni Jan, “Nakakaalarm na talaga fake news na ganito… safest to rely on legitimate news sources like Inquirer, Star, ABS, GMA etc. Journalism is a profession. ‘Wag tayo magpapaniwala agad. Always fact check.”

Nag-ugat kasi ang ispekulasyong ito nang hindi nakasama si Jennylyn sa shoot para sa bagong GMA 7 station ID.  Dito kasi ibinabatay ng netizens kung konektado pa ang artista sa network.

“We are investigating the situation but do know na hindi po si Dennis yun. He is currently taping for Pulang Araw and have limited access to his phone as per his PA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“We advise the public not to jump into conclusions with regard to this incident,” aniya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending