Dennis Trillo ibinandera ang pagmamahal kay Jennylyn Mercado, super thankful sa aktres | Bandera

Dennis Trillo ibinandera ang pagmamahal kay Jennylyn Mercado, super thankful sa aktres

Therese Arceo |May 16,2023
facebook
share this

Dennis Trillo ibinandera ang pagmamahal kay Jennylyn Mercado, super thankful sa aktres

Therese Arceo - May 16, 2023 - 11:48 PM

Dennis Trillo ibinandera ang pagmamahal kay Jennylyn Mercado, super thankful sa aktres
NAG-UUMAPAW ang pagmamahal ng Kapuso actor na si Dennis Trillo sa kanyang asawang si Jennylyn Mercado.

Sa kanyang Instagram page ay ibinandera nga ng award-winning actor kung gaano niya ipinagpapasalamat ang pagkakaroon ng isang Jennylyn sa kanilang buhay ngayong Mother’s Day.

“Kulang ang mga salita at mga larawan para ipahayag ang aking pag ibig at pasasalamat sa ’yo,” panimula ni Dennis.

Pagpapatuloy niya, “Ikaw ay hindi lang ilaw ng tahanan kundi haligi ng atin pag-ibig at ng ating pamilya.”

Super thankful rin si Dennis sa lahat ng mga ginagawa ni Jennylyn para sa kanya at para sa kanilang buong pamilya.

“Maraming salamat sa lahat ng pagmamahal, pag-unawa, mga sakripisyo’t paghihirap mo para sa aming lahat,” sey pa niya.

Baka Bet Mo: Dennis Trillo sa pagganap bilang Crisostomo Ibarra: Sobrang bigat kaya parang hindi ka puwedeng magkamali…

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo)

“I am forever grateful for you my Love. Happy Mother’s Day and advanced happy birthday mahal ko,” bati pa ni Dennis.

Marami naman ang nagpaabot ng kanilang pagbati sa Kapuso actress.

“Napakatamisss, Ginoong Crisostomo! Happy Mother’s Day sa iyong napakagandang kabiyak! May God bless your whole family even more,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “awwww, so sweet tlg. iloveyou both sobraaa. happy mother’s day po idol our ultimate star @mercadojenny and advance happy birthday po. enjooooy and sau papa Dennis @dennistrillo belated happy birthday dn po ..maraming salamat s unconditional love at respect mo po Kay idol Jen…natupad pangarap ko sa inyo n kau magkatuluyan and napaka blessed nyo sa isat1 lalo nun nagkaroon kau ng isang BABY DYLAN.”

“Stay strong and in love beautiful couple @dennistrillo and @mercadojenny WAG tumulad sa mga artsitang Kay bilis maghiwalay. Communication, understanding honesty and respect Ang laging pairalin,” sey naman ng isa.

Matatandaang November 2021 nang maganap ang intimate civil wedding nina Dennis at Jennylyn kasabay ang kanilang pa-gender reveal sa panganay nilang si Baby Dylan.

April 2022 naman nang ipanganak ng aktres ang kanilang cutie baby girl na nagdiwang ng kanyang ika-first birthday last month.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Promise ni Dennis kay Jennylyn: Sa lupa, sa ilalim ng dagat, kahit saan pa man…hindi kita pababayaan

Jennylyn Mercado, Dennis Trillo ipinasilip na sa publiko ang mukha ni Baby Dylan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending