Cristine na-scam: Nahihiya ako sa mga nagbigay ng donasyon!

Cristine Reyes na-scam: Nahihiya ako sa mga nagbigay ng donasyon!

Reggee Bonoan - June 26, 2024 - 09:22 AM

Cristine Reyes na-scam: Nahihiya ako sa mga nagbigay ng donasyon!

Cristine Reyes

NA-SCAM pala ang aktres na si Cristine Reyes nang hingan siya ng tulong at donasyon ng isang grupo para sa mga batang may mental condition.

Kuwento ng aktres, ginagamit daw ng mga scammer ang National Center for Mental Health para makapanloko at isa nga raw siya sa nabiktima ng mga ito.

Naibahagi ito ng aktres sa kanyang Instagram account nang mamahagi siya ng pagkain at iba pang personal na kailangan sa NCMH.

Baka Bet Mo: Gerald Anderson nagpaabot ng donasyon sa mga biktima ng bagyong Odette

Ang caption ni AA sa kanyang IG video, “Masaya at simple ang araw na ito noon Mayo 24, 2024. Nakaipon kasi kami ng mga kasama ko at nakabili kami ng pagkain at mga pangangailangan ng mga kapwa natin sa NCMH.”

At dito na ipinagtapat ng aktres ang karanasan niya noong 2021.

“Hindi ko lang maalis sa isip ko na malungkot dahil noon 2021 may mga taong lumapit sa akin. Sabi nila may mga bata raw na may malubhang sakit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cristine 🌻🪻🪽 (@cristinereyes)


“Hindi ako nag-atubiling tumulong. Lumapit ako sa mga kaibigan at kakilala ko at nakaipon ng mahigit kalahating milyon sa loob lamang ng isang linggo.

“Sa masakit na kapalaran.. Wala akong nabalitaan o nakita man lang sa mga batang may malubhang sakit at pilit ko tinatanong kung puwede ko sila mabisita at makita kung saan napunta ang aming naipon noon.

“Nahihiya ako sa mga nagbigay ng donasyon at nalulungkot ako na minsan ay nagamit ako ng mga ibang tao na nagsabing ibibigay nila ang tulong na iyon para sa mga batang may malubhang sakit.

Baka Bet Mo: Jed Madela ilang beses nang nabiktima ng ‘budol-budol’: It’s so difficult when you’re too nice! Hayyyyy!

“Para sa mga boss ko, kapwa artista at mga ibang naka-trabaho na nagbigay noon 2021 ng donasyon humihingi ako ng paumanhin.

“Hindi ko nakakalimutan hanggang ngayon na nagbigay ako ng pangako sa inyo na ipapakita ko kung saan mapupunta ang kabutihang loob ninyo.

“Magsisilbing aral iyon sa akin. Ako ay nag-tanda,” mahabang pagbabahagi ni Cristine.

Dagdag pa niya, “Maraming tao ang magpapanggap at mang-aabuso. Bahala na sa inyo ang may kapal. Malungkot man isipin na ngayon maliit lamang ang aking naipon para naman sa mga kapwa natin sa NCMH.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cristine 🌻🪻🪽 (@cristinereyes)


“Alam ko malinis ang aking hangarin para tumulong. Kahit maliit lamang ang aming naipon ngayon, okay lang. Kasi itong maliit na salo-salo na ito ay naging masayang araw para sa amin lahat.

“Salamat NCMH dahil sa pagbukas ng inyong pinto para sa akin marami akong napulot na aral dahil dito. Maraming salamat sa pagtitiwala.”

Muling bumalik si AA sa NCMH nitong Hunyo bilang host sa isinagawang outreach doon.

“Last Wednesday, we had the privilege of hosting an outreach event at the National Center for Mental Health (NCMH). It was a day filled with joy, compassion, and community spirit.

“Our dedicated volunteers and generous donors made it possible for service users to enjoy shared meals, receive personal care items, and feel the warmth of human connection.

“This event wasn’t just about giving; it was about understanding and supporting mental health. Mental health is a crucial aspect of our overall well-being, yet it often doesn’t receive the attention it deserves. Here are a few important points to remember:

“Mental Health Matters – Mental health affects how we think, feel, and act. It influences how we handle stress, relate to others, and make choices.

“Breaking the Stigma – Many people with mental health conditions face stigma and discrimination. By educating ourselves and others, we can create a more inclusive and supportive community.

“Support is Key – Whether it’s through professional help, community programs, or simple acts of kindness, support can make a significant difference in someone’s mental health journey.

“Occupational Therapy for Rehabilitation – Occupational therapy plays a crucial role in the rehabilitation of mental health patients. It helps them develop the skills needed for daily living and promotes independence, improving their quality of life and preparing them to go back to their family.

“Get Involved – There are many ways you can support mental health initiatives. Volunteer your time, donate to organizations, or simply spread awareness about the importance of mental health care.

“Thank you to everyone who made this day possible. Your contributions and support mean the world to those at NCMH. Let’s continue to work together to support mental health awareness and create a society where everyone feels valued and understood,” aniya pa gamit ang mga hashtag #MentalHealthMatters at #YouAreNotAlone.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tinag din ng aktres ang mga namahagi ng donasyon na kinabibilangan nina Carol Thor (Sanitary Pad), Drew Tan (Dentiste Toothpaste) at Cely Yap (Oishi Bread Pan).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending