2 Vivamax stars proud bisexual, may payo sa takot mag-out

2 Vivamax stars proud sa pagiging bisexual, may payo sa takot mag-out

Ervin Santiago - June 23, 2024 - 08:32 AM

2 Vivamax stars proud sa pagiging bisexual, may payo sa takot mag-out

Sheila Snow at Cess Garcia

WALANG takot na umamin sa ilang miyembro ng showbiz press ang dalawang Vivamax sexy star na sina Sheila Snow at Cess Garcia na sila’y proud members ng LGBTQIA+ community.

Parehong bisexual sina Shiela at Cess, ang lead stars ng latest Vivamax Original Movie na “Linya” mula sa direksyon ni Carlo Alvarez at hindi raw nila ito ikinahihiya.

Sa ginanap na mediacon ng “Linya” kamakailan sa Viva Boardroom sa Tektite East Tower sa Ortigas, Pasig City ay nakachikahan nga namin sina Cess at Shiela tungkol sa kanilang sexual preference.

Baka Bet Mo: Estudyanteng nagtapos sa junior high sinabitan ng medal ang amang construction worker: Simpleng gesture ko lang po iyon

Unang nag-out si Cess na isa siyang bisexual, at ang naging reaksiyon ni Sheila nang marinig ang rebelasyon ng dalaga ay, “Sabi ko na, e!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vivamax Atin ‘To (@vivamaxph)


Kaya agad siyang tinanong ng press kung bakit paano niya nalaman, “Naramdaman ko po. Proud bisexual din po ako, out po ako na bisexual.

“Sa inyo po ako nag-out, sa media po talaga, sige po,” ang hirit pang sabi ni Sheila.

Wala raw girlfriend si Sheila ngayon pero nagkaroon na siya dati ng babaeng dyowa, “Opo. Pasok ba sa girlfriend iyon or fling!” Naka-experience na rin daw siya ng “intimacy” sa kanyang partner na girl.

“Honest ako du’n kasi mahirap na if makikita ka in public tapos magde-deny ka rin,” sabi ni Sheila.

Baka Bet Mo: Mark Bautista nawalan ng projects matapos maglantad na ‘bisexual’, pero…

May naka-fling na rin daw si Cess noon pero wala pa siyang naging seryosong relasyon sa babae. Sey pa niya, mas naa-attract pa rin naman daw siya sa guys kapag talagang gustung-gusto niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vivamax Atin ‘To (@vivamaxph)


Ngayong June ay ipinagdiriwang ang Pride Month kaya ang tanong ko sa kanila ay kung ano ang message nila para sa mga natatakot mag-come out bilang miyembro ng LGBTQIA+.

“Sa lahat ng mga natatakot, kasi hindi ako natakot, e…ang masasabi ko lang sa mga natatakot, actually mahirap, mahirap sabihin na, ‘Okay lang iyan. Kasi 2024 na ngayon, e.’

“Pero kung ayaw n’yo pong mag-out, wala pong… ah, okay lang din naman po kasi as long as wala kayong tinatapakan na tao at okay yung ginagawa niyo sa surroundings niyo, sa society, meron tayong naitutulong para sa isa’t isa.

”And iyon lang, na as long as maging mabait ka sa kapwa mo,” pahayag ni Cess.

Sey naman ni Sheila, “Kasi ako, nag-out ako sa Facebook page, nabasa ni Mama, kasi yung kapatid ko po bakla, e.

“So nabasa ni Mama, ni-like niya po yung post ko. Years ago na yun, tapos nag-chat siya sa akin, ‘Kumusta ka na?’

“So parang nakakatakot po yung tanong, so parang may gusto siyang sabihin, pero hindi niya na po tinanong sa akin na, ‘Bi (bisexual) ka? Bakit ka bi?’

“Hindi po, siguro dahil suportado siya sa kapatid ko na bakla,” sabi ni Sheila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, streaming na ngayon sa Vivamax ang “Linya” kung saan kasama rin sa cast sina Anthony Davao, Chester Grecia, at VJ Vera.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending