Ice Seguerra in-explain ang pagdami ng letra sa LGBTQIA+

Ice in-explain ang pagdami ng letra sa LGBTQIA+: Sobrang weird for me…

Ervin Santiago - June 19, 2024 - 08:36 AM

Ice in-explain ang pagdami ng letra sa LGBTQIA+: Sobrang weird for me...

Liza Diño at Ice Seguerra

NAG-EXPLAIN ang OPM icon na si Ice Seguerra tungkol sa pagdami ng mga letra sa “LGBTQIA” community na ikinalilito na rin ngayon ng publiko.

Isa ito sa mga maiinit na isyu na posibleng talakayin sa LGBTQIA+ community-themed stage play titled “Choosing” na pagbibidahan ni Ice kasama ang asawa niyang si Liza Diño na siya ring sumulat ng script.

Gagampanan nila rito ang lead characters ng isang lesbian couple na dumaraan sa iba’t ibang klase ng challenges bilang miyembro ng LGBTQ community.

Baka Bet Mo: Moira sa hiwalayan at pagpapaubaya: We can choose gratitude over bitterness, we can choose love and forgiveness…

“They have a complicated situation in their life nasa isang stage sila ng relasyon nila na malaking pagbabago yung pinili nila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Kaya Choosing (yung title), if you choose towards one direction a lot in the relationship is going to change. Or if you choose dito sa direction nito, whether if it’s about identity or sa next step sa pagkatao rin, iba rin yung pupuntahan nu’n.

“So it’s all about the choices your going to make in your life,” sey ni Ice nang makachikahan namin at ng ikan pang piling miyembro ng entertainment media.

Nilinaw naman ni Ice na bukod sa mga experiences nila ni Liza, marami rin silang ise-share na mga karanasan ng mga kakilala nilang couples.

“Kami kasi ni Liza, kilala kaming LGBT couple and blessed kami to have appearance sa mga shows and people would share their stories with us.

Baka Bet Mo: Promise ni Luis kay Jessy: Sa mga araw na pareho tayong hindi kamahal-mahal, I will choose to love you

“Parang bigla silang nag-oopen up sa amin. Ang dami, throughout the years. We’ve been together for 11 years now so imagine the trove of stories that we receive from people.

“Si Liza kasi, she’s a empath, so whether it be her experience or not, she can also easily relate to it.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Billboard PH (@billboardphofficial)


“Trans people has been around since the beginning of time, but it’s a topic that just been talked about ngayon.

“Kung ano ba yung fear, we hate what we don’t understand, but I think that’s why stories like this are very important. Because of these stories, may makukuha kang same or shared experience,” aniya.

At tungkol nga sa dumaraming letter sa LGBT, paglilinaw ni Ice, “The labels are not meant to box one person, but for a person to have an idea.

“Like ako, for the longest time I really thought I was a lesbian. Sobrang weird for me, kasi bakit sila nag-e-enjoy ng two-way (pleasure with each other)?

Baka Bet Mo: Liza Dino gustong gumawa ng pelikula tungkol sa trans family: Ano ba yung pinagdaraanan namin?

“Sobrang confused ako. But nu’ng nalaman kong transman ako, nagti-tick lahat nu’ng boxes na, ‘Ah kaya pala!’ ‘Ay, ganu’n pala!’

“For me, labels, hindi para ibigay natin sa ibang tao but ‘yung tao mismo maglagay sa sarili niya at maintindihan kung ano yung sarili niya,” paglilinaw pa ng premyadong singer-songwriter.

Mapapanood na ang “Choosing” simula sa June 29 at tatagal hanggang July 7 sa Power Mac Center Spotlight Blackbox theater sa Circuit Makati. It is written by Liza Diño (with additional monologues by Ice Seguerra) and directed by Dr. Anton Juan.

Tickets are now available sa www.ticket2me.net.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bago naman magsimula ang “Choosing”, hahataw muna si Ice sa kanyang “Karaoke Hits The Repeat” concert sa June 28 sa Music Museum, Greenhills, San Juan City.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending