Female star lantaran na ang relasyon sa miyembro ng LGBTQIA+

Sikat na female star lantaran na ang relasyon sa miyembro ng LGBTQIA+

Reggee Bonoan |January 18,2024
facebook
share this

Sikat na female star lantaran na ang relasyon sa miyembro ng LGBTQIA+

Reggee Bonoan - January 18, 2024 - 01:48 PM

Sikat na female star lantaran na ang relasyon sa miyembro ng LGBTQIA+

Guess, guess who!?

“HINDI kasi ako nakikialam sa personal niyang buhay,” ang sabi ng taong malapit sa aktres na balitang may bago na itong dyowa na miyembro ng LGBTQ community.Sa pagkakatanda namin ay kami ang nambuking noon na may karelasyon ang aktres na parte ng produksyon kung saan isa siya sa bida.

At dahil baguhan pa lang noon ang aktres ay sumunod siya sa payo ng mga taong nakapaligid sa kanya para na rin sa ikaaalagwa ng kanyang karera.

In fairness, sumikat na nga ang aktres at marami na ring nangyari na sa lovelife niya at nabago na rin ang preference niya kaya tuwang-tuwa ang lahat.

Baka Bet Mo: Raymond umaming beki para na rin sa mga biktima ng pambu-bully, diskriminasyon sa LGBTQ community

Pero hindi nagtagal ang relasyon ng aktres dahil sa maraming bagay na hindi sila magkasundo na inakala ng mga taong nakapaligid ay okay sila, pero hindi pala.

Akala ng lahat ay ipinapahinga lang ng aktres ang kanyang sugatang puso pero laking gulat ng mga nakapaligid at ng mga katrabaho niya na matagal na palang may nagpapasaya sa puso niya na miyembro ng LGBTQ.

Sa kasalukuyan ay hinahayaan na si aktres ng lahat dahil hangga’t hindi naman daw apektado ang kanyang trabaho ay okay lang na maging inspirasyon niya ito.

Sabi nga ng taong malapit sa kanya, “Hindi kasi ako nakikialam sa personal niyang buhay.”

Baka Bet Mo: Pacquiao sa isyu ng LGBTQ: Masisipag at magagaling silang mag-isip, hindi ko sila kino-condemn

Sabi pa ng isa naming source, “Ha-hahahaha! Ang tagal na nila (aktres at partner) nu’ng ginagawa pa ‘yung ____ (serye ng aktres) hindi naman nila itinatago ‘yun. Katwiran namin masaya siya at inspired siya lagi kaya masaya kami for her.”

Say din ng naka-work ng aktres sa nasabing serye, “Okay sila, laging magkasama sa mga events hindi naman tago ‘yun.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, bali-balitang may planong i-level up nina aktres at ng partner niya ang kanilang relasyon ngayong taon at ito ang tinututukan ng lahat ng mga nakakakilala sa kanila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending