Mark Bautista nawalan ng projects nang maglantad na bisexual

Mark Bautista nawalan ng projects matapos maglantad na ‘bisexual’, pero…

Pauline del Rosario |February 11,2024
facebook
share this

Mark Bautista nawalan ng projects matapos maglantad na ‘bisexual’, pero…

Pauline del Rosario - February 11, 2024 - 12:57 PM

Mark Bautista nawalan ng projects matapos maglantad na 'bisexual', pero…

PHOTO: Facebook/Mark Bautista

TILA hindi pala naging maganda ang pagtanggap ng iba sa batikang singer na si Mark Bautista matapos siyang mag-come out noon sa publiko bilang isang bisexual.

Kung matatandaan, taong 2018 nang umamin si Mark sa pamamagitan ng kanyang memoir na pinamagatang “Beyond the Mark.

Sa kanyang interview kasama ang broadcast journalist na si Karen Davila, ibinunyag ni Mark na naapektuhan ang kanyang karera dahil nawalan siya ng ilang mga proyekto.

Gayunpaman, nilinaw niya na hindi niya pinagsisihan ang kanyang paglalantad sa kanyang sekswalidad.

“First ‘nung lumabas ang dami palang gantong reactions. Sabi ko, dapat ba hindi ko na tinuloy and all that,” kwento niya.

Baka Bet Mo: Michelle Dee inamin na ‘open secret’ ang pagiging bisexual, aprub kay Melanie Marquez: She never made me feel there’s something wrong

Sey pa niya, “Pero ngayon masasabi ko it’s the best decision na nagawa ko. Sobrang iba ang pakiramdam. No regrets.”

Dagdag ng veteran singer, “Kung anuman ang mangyari, kung hindi na ako tatanggapin sa showbiz o wala nang show, ready ako.”

Nilinaw rin ni Mark na kahit siya’y bisexual ay pwede pa rin siyang ma-inlove sa babae at gusto pa rin daw niyang magkaroon ng sariling pamilya.

“Open pa rin ako to fall in love with a girl kasi gusto ko talagang magka-family. Gusto ko magkaanak and all that,” sambit ng singer.

Saad pa niya, “I’m still open to it na kung may babae na tatanggapin ako and all that. Kung mapa-fall ako or ma-in love ako sa isang babae, wala akong problema.”

“Tatanda ako, sinong maiiwan… saan ko ibibigay yung pinaghirapan ko? Sino ang mag-aalaga sa akin, basically? Naisip ko rin na dapat siguro may kasama ako or may anak or something,” aniya pa.

Kasunod niyan ay inalala rin niya ‘yung sexual abuse na naranasan niya dahil sa isang kamag-anak noong siya’y bata pa.

“Nung time na ‘yun, may point sa buhay ko na kinukuwestiyon ko, ‘Kung hindi nangyari sa akin ‘yun, sino kaya ang Mark ngayon? Baka ibang tao siya,” wika niya.

Patuloy niya, “May naisip pa ako na, ‘I’m sorry Mark na bata, na nangyari sa’yo ‘yun. You were so helpless, hindi mo rin naman alam. Sorry kung may nag-grab sa’yo na something sa childhood mo’.”

Maaalalang nagsimulang sumikat si Mark noong 2003 matapos sumali sa Philippine reality TV talent search na “Star for a Night.”

Siya ay naging grand finalist sa nasabing kompetisyon at nakuha ang third place.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang nagwagi naman diyan ay ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending