Michelle Dee ipinapareha kay Rhian Ramos matapos umaming bisexual: What if kayo na lang? | Bandera

Michelle Dee ipinapareha kay Rhian Ramos matapos umaming bisexual: What if kayo na lang?

Therese Arceo |May 31,2023
facebook
share this

Michelle Dee ipinapareha kay Rhian Ramos matapos umaming bisexual: What if kayo na lang?

Therese Arceo - May 31, 2023 - 02:16 PM

Michelle Dee ipinapareha kay Rhian Ramos matapos umaming bisexual: What if kayo na lang?
AFTER ng bonggang pag-come out ni Miss Universe Philippines Michelle Dee bilang isang bisexual, marami sa mga netizens ang curious kung ano nga ba talaga ang relasyon nila ni Rhian Ramos.

Mas nakadagdag pa nga ng kuryosidad ng madlang pipol ang inilabas na TikTok video ng dalaga na may kantang “I’m coming out” at makikitang present rin sa video ang Kapuso actress.

Kaya naman hindi mapigilan ng mga netizens ang pagtambalin sina Rhian at Michelle at i-ship sa isa’t isa.

“Ano po tlaga yung inaamin dito? Charizzz. Love you both (heart and rainbow emoji),” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Huuuuy. ginalaw na ba ni Rhian at Michelle ang baso?”

Sey naman ng isa, “OMGGG?! DID THEY JUST DO A HARD HARD LAUNCH?!”

Baka Bet Mo: Miss Universe PH 2023 Michelle Dee umaming bisexual: ‘I’m attracted to all forms of beauty, all shapes and sizes’

“Umamin na. What if kayo na lang?” dagdag naman ng isa.

Kamakailan lang nang aminin ni Michelle na isa siyang proud member ng LGBTQIA+ community dahil isa siyang bisexual sa naging panayam niya sa Mega Magazine kung saan siya ang cover.

“I definitely identify myself as bisexual. I’ve identified with that for as long as I can remember.

“I’m attracted to all forms of beauty, all shapes and sizes,” saad ni Michelle.

At isa nga ang kanyang bestfriend na si Rhian sa mga taong nagpahayag ng pagka-proud sa pag-amin ng Miss Universe Philippines 2023 winner.

Ipinakita nito ang kanyang suporta kay Michelle nang ibahagi niya ang magazine cover ng huli na may caption na “We love who you are. We love you bb.”

Sinundan pa ito ng selfie nilang dalawa habang nakahiga sa couch na may caption na “You do you hunhun”.

Matatandaang last year lang nang ibahagi nina Michelle at Rhian na magkasama na silang nakatira sa isang bahay na malapit lang sa bahay ng isa pa nilang kaibigan na si Max Collins.

Hindi naman masisisi ang netizens sa kanilang reaksyon dahil maski noong magwagi ang beauty queen sa beauty pageant ay isa ito sa mga talagang proud at happy sa pagkakasungkit nito ng korona.

Samantala, wala pa namang pahayag si Rhian maging si Michelle sa mga hinhha ng mga netizens.

Related Chika:
Kapuso star Michelle Dee waging Miss Universe Philippines 2023

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rhian Ramos may bagong dyowa na, rumampa sa GMA Gala Night kasama si Sam Verzosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending