2 Thai BL series pasorpresa ng Viu; 3 TNT contestants proud LGBTQ

2 Thai BL series pa-surprise ng Viu PH; 3 TNT contestants proud LGBTQ

Ervin Santiago - June 22, 2024 - 11:59 AM

2 Thai BL series pa-surprise ng Viu PH; 3 TNT contestants proud LGBTQ

GOOD news para sa mga Pinoy na mahilig manood ng Boy’s Love series! May pa-surprise sa inyo ang isang entertainment company sa Thailand.

Ngayong June, kasabay ng pagdiriwang ng Pride Month sa Pilipinas, ibinabandera ng Viu Philippines ang pagpapalabas ng BL romance-comedy series mula sa kumpanyang Thai na GMMTV.

Ayon sa Viu, kabilang na ngayon sa kanilang premium Asian content ang “Wandee Goodday” at “My Love Mix-Up!” na produced ng GMMTV.

Baka Bet Mo: Prequel ng ‘Mad Max’ makapigil-hininga, puno ng intense action scenes

Sa “Wandee Goodday”ang brokenhearted at lasing na si Dr. Wandee ay magkakaroon ng one-night stand sa Muay Thai fighter na si Yo Yak Phadetseuk.

Para walang komplikasyon, magkakasundo ang dalawa na maging “friends with benefits” lamang. Pero kahit iwasan o itanggi, magkakadebelopan pa rin sila ng feelings.

Ang series na ito ay base sa isang nobela. Bida rito ang dalawa sa pinakamainit at pinaka-sexy na BL actors.

Si Inn Sarin Ronnakiat, star ng popular na Thai BL series na “The Miracle of Teddy Bear”, ang gumaganap na si Dr. Wandee habang si Sapol Assawamunkong, na gumaganap na Yo Yak, ay star ng Thai adaptations ng K-Drama na “Beauty Newbie” at “Start-Up”.

Ang “My Love Mix-Up!” naman ay kuwento ng mga estudyante sa high school. Ang mahiyaing si Atom ay may crush sa babae niyang kaklaseng si Matmi.

Baka Bet Mo: Mark Anthony nagtampo kay Jomari: ‘Medyo malalim, hindi kami nag-uusap’

Pero si Matmi ay may gusto naman sa lalaking si Kongthap. Nang makita ni Kongthap na hawak ni Atom ang eraser ni Matmi kung saan nakasulat ang kanyang pangalan, iisipin niyang may gusto sa kanya si Atom.

Sina Gemini Norawit Titicharoenrak at Fourth Nattawat Jirochtikul ang gumaganap sa mga papel na Atom at Kongthap.

Sila ang nabansagang “Geminifourth” na BL love team na ngayo’y malaki na ang fan base sa Asia.

At dahil mayroon nang partnership ang Viu at GMMTV, makaaasa ang mga manonood ang patuloy na pagdagsa ng mga exciting programs sa mga darating na araw.

Ang iba pang BL titles na available na sa Viu ay ang “Close Friend”, “Close Friend 2”, “Close Friend 3 Soju Bomb!” “Bite Me the Series” at “Kiseki in Tokyo Chapter 2”.

* * *

Proud na ibinahagi ng “Tawag ng Tanghalan” contestants at power belters na sina Anton Antenorcruz, Raven Heyres, and Saga ang pagiging bahagi ng LGBTQ+ community sa kanilang bagong single na “Say It Clear, Say It Loud” na ipinrodyus ng King of Talk na si Boy Abunda.

Ito ang ikalawang single mula sa kanilang upcoming mini-album na may parehong titulo, ang kauna-unahang Pride EP na ilalabas sa bansa na binuo ni Tito Boy sa tulong ng Star Music.

Para kay Anton, naging daan ang musika para mas tumibay ang samahan nila nina Raven at Saga.

“Kayo ang reason ba’t gumagaan ang trabaho natin, marami akong natututunan, at naniniwala ako na we bring out the best in each other,” ani Anton sa Instagram post.

Nitong June rin ay inilunsad nila ang unang single ng EP na tinawag na “Bilang” na nagbibigay diin naman sa acceptance at respeto na dapat natatanggap ng LGBTQ+ community.

Mula sa kanilang “TNT” journey, patuloy ipinapamalas nina Anton, Raven, at Saga ang kanilang talento sa kani-kaniyang solo careers. Nakapaglabas si Anton ng dalawang single na “Pagbigyang Muli” at “Dating Akin” habang si Raven ay naging viral sensation sa TikTok dahil sa kanyang covers at performances.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, naglunsad naman si Saga ng cover album na “Overture, Vol. 1” na umani na ng 4 milyong streams sa Spotify.

Makiisa sa selebrasyon ng Pride at pakinggan ang bagong single na “Say It Clear, Say It Loud” nina Anton, Raven, at Saga na available sa iba’t ibang streaming platforms.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending