Arron Villaflor handang tumodo sa paghuhubad pero hindi kayang magpakita ng 'birdie' sa movie: Tsaka no Boy's Love stories muna | Bandera

Arron Villaflor handang tumodo sa paghuhubad pero hindi kayang magpakita ng ‘birdie’ sa movie: Tsaka no Boy’s Love stories muna

Ervin Santiago |July 31,2022
facebook
share this

Arron Villaflor handang tumodo sa paghuhubad pero hindi kayang magpakita ng ‘birdie’ sa movie: Tsaka no Boy’s Love stories muna

Ervin Santiago - July 31, 2022 - 07:10 AM

Arron Villaflor

HANDANG tumodo sa paghuhubad at pagpapaseksi sa kanyang mga susunod na projects mapa-telebisyon man o pelikula ang aktor na si Arron Villaflor.

Pero pagdating daw sa frontal nudity o pagpapakita ng kanyang pagkalalaki o pakikipag-love scene sa kapwa lalaki, parang hindi pa raw niya ito kakayanin.

Last Thursday, July 28, in-announce ng dating Kapamilya actor na nasa pangangalaga na siya ng Viva Artists Agency. Pumirma na siya ng exclusive contract sa Viva Entertainment kaya asahan nang magsusunud-sunod na rin ang kanyang projects ngayong 2022.

Ngunit agad na sinabi ni Arron na wala siyang sama ng loob sa ABS-CBN o sa Star Magic, “Nabigyan lang tayo ng pagkakataon at naniniwala ako sa timing.

“I guess, hindi lang naman ako yung nahiwalay o nawala sa ABS-CBN. Ayoko lang mabakante.

“I am not getting any younger. I’m thirty-two, so sobrang excited ako sa lahat ng projects na puwedeng dumating para sa akin. At yung tampo, never akong nagtampo sa mga nakatrabaho ko.

“It’s just that gusto ko lang magtrabaho nang magtrabaho. It just so happened na hindi tayo nabigyan ng pagkakataon noong pandemic kasi lahat hirap naman talaga.

“Pagdating sa shooting, sobrang nagkaroon tayo ng mga limitation, so I decided to think, and I decided to transfer kung saan may work na available,” pahayag ng binata sa members ng entertainment press.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Arron Villaflor (@arronvillaflor05)


Kuwento pa niya, talagang nawalan siya ng projects sa showbiz pero naging busy pa rin siya noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic dahil sa mga naipundar niyang mga negosyo.

“Lahat tayo nahirapan noong pandemic. Hindi lang ako siguro sanay na walang ginagawa. Pero sa struggles na yun, naging busy na lang ako sa ibang mga bagay.

“I opened a new salon in Tarlac. I have my real estate so let’s be thankful na rin we’re alive at may mga pagkakataon tayo na ganoon,” aniya.

Samantala, para sa unang project ni Arron sa Viva, makakasama siya sa original Vivamax series na “Wag Mong Agawin Ang Akin” kung saan makakasama niya sina Angeli Khang, Jamila Obispo at Felix Roco.

Natanong namin si Arron kung kaya ba niyang makipagsabayan sa paghuhubad at pakikipag-love scene ng mga male sexy stars ng Viva.

“Yes, I’ve seen them and yes, kinakabahan ako kasi bagong mundo ito, but basta kailangan ng story, kung kailangang nakahubad, I’m ready to do it.

“Basta huwag lang frontal, hindi ko kaya. And also, no Boys Love stories kasi I won’t be comfortable doing them.”

“Magpapaseksi, yes! Frontal hindi ko makakaya ang frontal but sexy, hundred percent. I already laid my cards so i-expect niyo ang mga project ko under Viva will be intense. So exciting, di ba?” sabi pa ng binata.

https://bandera.inquirer.net/314305/arron-villaflor-sa-pagkatsugi-sa-ang-probinsyano-hindi-ko-nga-alam-kung-bakit-bigla-akong-nawala
https://bandera.inquirer.net/316679/aaron-villaflor-pwedeng-ma-in-love-sa-escort-girl-minsan-nasu-surprise-na-lang-tayo-sa-mga-nangyayari

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/297261/jay-manalo-ayaw-nang-tumodo-sa-paghuhubad-ibibigay-na-ang-trono-kay-sean-de-guzman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending