Maine shookt sa pagdating ni Arjo sa Eat Bulaga, 'nahimatay'

Maine shookt sa pa-surprise ni Arjo sa Eat Bulaga, biglang ‘nahimatay’

Ervin Santiago |March 02,2024
facebook
share this

Maine shookt sa pa-surprise ni Arjo sa Eat Bulaga, biglang ‘nahimatay’

Ervin Santiago - March 02, 2024 - 08:47 PM

Maine shookt sa pagdating ni Arjo sa Eat Bulaga, biglang 'nahimatay'

Maine Mendoza, Arjo Atayde at Vic Sotto

SHOOKT si Maine Mendoza nang  biglang umapir ang asawang si Quezon City 1st District Rep. Arjo Atayde sa “Eat Bulaga” ngayong araw.

Hindi in-expect ng actress-TV host na makakasama nila nang live ang asawa sa ibinigay na pa-surprise ng mga Dabarkads para sa kanyang 28th birthday (March 3).

Si Arjo rin ang naging special celebrity guest sa “Peraphy” segment ng kanilang noontime show sa TV5.

Si Vic Sotto ang nag-introduce sa kanilang “mystery contestant” para sa nasabing portion at walang kamalay-malay si Maine na si Arjo nga ang tatawagin ni Bossing.

Baka Bet Mo: Abby Viduya shookt nang biglang mag-propose si Jomari Yllana: ‘I couldn’t stop crying, you make me so happy baby…I love you for eternity’

“Ang maglalaro ngayon ay mula sa pelikulang may forever!” sabi ni Bossing Vic sabay labas nga ni actor-public servant sa studio ng “Eat Bulaga.”

Agad na niyakap ni Arjo ang kanyang misis habang nagkunwari itong mahihimatay sa sobrang pagka-shock. Sabi naman ni Vic, “Sorry, sorry! Mali pala yung title. Dapat ang title ‘Your Forever!'”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maine Mendoza Atayde (@mainedcm)


Mensahe ni Arjo, “Maraming salamat din po, of course, ‘no… Bossing, the whole Eat Bulaga! fam, Tito Sen, Boss Joey, for allowing me to be with my wife today. Maraming salamat po!”

Sey naman sa kanya ni Maine, “Welcome to Eat Bulaga, Cong!’

Bago ang paglabas ng aktor sa studio ng “Eat Bulaga”, nagpaabot din siya ng birthday message para kay Maine sa pamamagitan ng isang video greeting.

Pahayag ni Arjo, “Hi, Baba. Happy, happy birthday. Surprise. I hope you’re having a great time with the Dabarkads today.

“I hope you enjoy your day. I’ll see you later. Let’s celebrate, my love. I’m just so grateful for you. And thank you for being such a great wife.

“And more blessings to you. I’ll always be right behind you. I love you. Happy, happy birthday!” ang kabuuang mensahe ng award-winning actor kay Maine.

Baka Bet Mo: Maine, Arjo imposible na raw magpakasal ngayong 2022 dahil sa pamahiing ‘sukob’

Siyempre, nagbigay din ng pagbati ang TVJ kay Maine. Pahayag ni Tito Sen, “You will always be our girl. We wish you all the best, not only in your career but also in your married life. Happy birthday, we love you.”

Sey naman ni Joey, “Yung happy birthday, ngayon lang nagkaroon ng halaga para sa akin dahil hindi lang happy birthday kundi happy kami nakasama ka namin.”

Ang message naman ni Bossing Vic kay Maine, “Sa dami ng pinagdaanan natin, traffic sa EDSA, sa dami din pinagdaanan natin, hindi mo kami iniwan.

“Sa laban, sa lahat, masaya, malungkot, nandiyan ka pa rin. Thank you, happy birthday,” aniya pa.

Sa isang bahagi ng programa, nagbigay ng special performance ang Dabarkads para kay Maine. Kabilang na riyan sina Ryzza Mae Dizon, Wally Bayola, Carren Eistrup, Atasha Muhlach at Miles Ocampo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hinarana rin siya nina Paolo Ballesteros, Allan K at Jose Manalo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending