Eat Bulaga ng TVJ lilipat na sa bagong studio

Eat Bulaga lilipat sa bagong studio, mapapanood na sa Meralco Theater

Reggee Bonoan - February 13, 2024 - 04:13 PM

Eat Bulaga lilipat na sa bagong studio, mapapanood na sa Meralco Theater

Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon kasama ang iba pang Legit Dabarkads

ISA sa mga araw na ito ay lilipat na sa bagong studio ang programang “Eat  Bulaga” na kasalukuyang nasa TV5 sa Sheridan Street, Mandaluyong City.

Ayon sa nakuha naming balita ay noong Nobyembre, 2023 pa sinimulan ang construction para sa bagong studio ng programa.

Ito na nga raw ang magiging bagong “bahay” ng mga original host ng noontime show na sina former Sen. Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon kasama ang iba pang Legit Dabarkads.

Ang DBR, Inc. ng Avida Ayala Land Construction, na kaibigan daw ni Ginoong Manny V. Pangilinan o MVP ang namamahala sa pagtatayo ng naturang studio.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz suportado si Tito Boy kung lilipat sa GMA-7: Kailangan niyang magtrabaho

Sitsit pa ng aming kausap, ang Meralco Theater na nasa loob ng Meralco Building sa may Ortigas Avenue, Pasig City ang bagong studio ng “Eat Bulaga” na ibang-iba raw sa dati nilang “tahanan.”

Base sa pagkakatanda namin, malaki ang Meralco Theater at may seating capacity na 150-200.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by TVJ Productions Inc. (@tvjofficial)


Para ring Broadway Centrum ang itsura nito, pero since under construction nga ito ay baka moderno na ang ipinagagawang studio ni MVP.

Magiging accessible pa rin naman ito sa lahat ng gustong manood dahil maraming masasakyan mula Antipolo, Pasig, Cubao, Makati, Manila, Caloocan at iba pa.

Samantala, may nakuha rin kaming tsika na kahit consultant ng TAPE, Inc. si Mr. Antonio Tuviera o Mr  T ay nananatili pa rin itong nakasuporta kina Tito, Vic, at Joey o TVJ dahil pamilya na ang turingan nila sa mahabang taon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending