Ogie Diaz suportado si Tito Boy kung lilipat sa GMA-7: Kailangan niyang magtrabaho | Bandera

Ogie Diaz suportado si Tito Boy kung lilipat sa GMA-7: Kailangan niyang magtrabaho

Reggee Bonoan - December 25, 2021 - 05:59 PM

Ogie Diaz suportado si Tito Boy kung lilipat sa GMA-7: Kailangan niyang magtrabaho

DAHIL nag-mentor si Boy Abunda sa mga taga-GMA Artist Center ay marami ang nagtanong kung lilipat na ba ang TV host sa Kapuso network?

Isa ito sa hot topic nina Ogie Diaz at Mama Loi sa vlog nilang “Showbiz Update” kasama sina Tita Jegs at Marena na marami ang nagtatanong kung Kapamilya pa rin ba si Kuya Boy.

Opinyon ni Ogie, “anong problema kung nag-mentor si kuya Boy? Hinayr ang kanyang serbisyo para sa personality development para bigyan ng lessons, orientation ang mga taga-GMA.

“Kahit ako Loi pag hinayr ako ng GMA para magsalita sa kanila via zoom, why not? Kung makaka-contribute ka naman sa pagkatao ng mga batang ‘yan, e, di go. Lalo na sa panahon ngayon na ang mga artista ay madalas mong mabalitaan na may depression, anxiety, e, malay mo isa ‘yan sa tinalakay ni kuya Boy?

“Plus ‘yung kanilang career development o career path may mga katanungan sila tungkol sa industriya, e, di si kuya Boy ang makakasagot.

“Yun namang pagtataka ng iba na si kuya Boy ay nasa GMA 7 na, e, siyempre kung wala namang proyektong maibibigay ang ABS-CBN kay kuya Boy, e, siyempre alangang maghintay ng maghintay si kuya Boy, di ba? saad ni Ogie.

“Hindi natin alam baka ini-entertain na ni kuya Boy ‘yung offer o ‘yung proposal sa kanya ng GMA tulad ng nabalita dati at hindi natin masisisi si kuya Boy (dahil) kailangan niyang magtrabaho, di ba? Alam ko naiintindihan ‘yun ng ABS-CBN.”

Inamin din ng talent manager/vlogger na kung sakaling may offer din siya ay hindi rin siya pipigilan ng Kapamilya network.

“Parang ako rin ay hindi pinipigilan ng ABS-CBN kung gusto kung tumawid kung saan man TV5 o GMA pero sarili kong desisyon na huwag tumuloy sa anumang channel.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by GMA Artist Center (@artistcenter)

“Pag nagkaroon ng prangkisa ang ABS-CBN someday ay doon ako babalik. Kung wala akong source of income, e, baka nagmamalikluhod na ako sa GMA o TV5 na bigyan naman ako ng (trabaho), e, kaso mayroon naman tayong pinagkakaabalahan eto di ba? Ito na ang bagong talk show sa Youtube na kaya meron tayong YouTube channel at meron din akong one-on-one sa aking sariling channel, di ba? So, ‘yun lang ang pinagkakaabalahan at hawak ko pa ang oras ko,” paliwanag mabuti ni Ogie.

Susog naman ni mama Loi, “tama at nakakapagbigay ka pa ng saya across the world.”

Dagdag pa ni Ogie, “at napakarami po ang imbitasyon sa atin, may Canada, US, Dubai.”

Napatili si mama Loi at sana matuloy sila sa mga nasabing imbitasyon.

“Maraming imbitasyon ibig sabihin maraming nagkakagusto sa atin at higit sa lahat ako lang ang inimbita nila Loi, hindi ka kasama,” birong seryosong sabi ni Ogie kay mama Loi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Medyo naluha si mama Loi sana raw ay makasama rin siya.

“’Wag kang umiyak saka hindi ko rin naman kayang umalis ng ako lang dapat kasama ka, kasama si Dyosa (Pockoh), kasama si Marena ‘yun lang,” saad ni Ogie.

Related Chika:
Boy Abunda magiging Kapuso na rin, tuloy ang negosasyon sa GMA?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending