Prequel ng ‘Mad Max’ makapigil-hininga, puno ng intense action scenes
GRABE ang action scenes sa latest installment ng iconic dystopian movie ng “Mad Max!”
Showing na kasi sa mga lokal na sinehan ang prequel na may titulong “Furiosa: A Mad Max Saga.”
Napanood na namin ito at umpisa pa lang ng pelikula, tila hindi ka na pwedeng kumurap dahil sa mga makapigil-hininga na mga eksena.
Maganda ang pagkakabuo ng storyline na kung saan ibinandera mismo rito ang full origin ni Furiosa, ang bidang karakter ng nasabing iconic film.
Ito ay mula nang kinuha siya sa kanyang pamilya hanggang sa mapabilang siya kay Joe bilang lider ng War Boys at magkaroon ng sariling landas upang makapaghigante.
Baka Bet Mo: LIST: Mga ‘movie marathon’ na pak na pak ngayong Mayo
Ang bumida sa latest franchise ay ang award-winning actress na si Anya Taylor-Joy bilang batang bersyon na heroine ng wasteland.
Bagay na bagay sa kanya ang role at talagang ipinakita niya na kayang-kaya niyang pangatawanan ang pagkakaroon ng intense action stunts.
Kung maaalala, ang orihinal na gumanap ng nasabing karakter ay ang South African-American actress na si Charlize Theron na ipinalabas noon pang 2015.
Tampok din sa action film ang “Thor” star na si Chris Hemsworth bilang kontrabida na si Immortan Joe.
Kakaibang talento sa pag-arte ang ipinamalas ni Chris at malayong-malayo ngayon ang kanyang karakter mula sa mga nasisilayan nating mga movies niya.
Ayaw naman naming i-spoil ang bagong action film, kaya heto ang nilalaman ng synopsis:
“As the world fell, young Furiosa is snatched from the Green Place of Many Mothers and falls into the hands of a great Biker Horde led by the Warlord Dementus. Sweeping through the Wasteland, they come across the Citadel presided over by The Immortan Joe. While the two Tyrants war for dominance, Furiosa must survive many trials as she puts together the means to find her way home.”
Sa press release na inilabas ng Warner Bros., chinika ni Anya na extra effort ang naging training niya para magampanan mabuti ang kanyang role.
“What’s crazy about it is I definitely did more training in the year prior to the movie than I was able to fit in while making the film. And yet, I was stronger than I’ve ever been, because throwing yourself around a War Rig requires every muscle in your body,” sey niya.
Aniya pa, “My workout became coming to work and doing the scenes, and I felt quite proud of my strength during that time.”
Aminado rin ang aktres na malaki ang pasasalamat niya sa pelikula dahil dito niya naipinakita kung ano ang kakayahan ng mga kababaihan.
“I really hope for young women to come to believe that you are stronger than you think you are, you have more power than you think you have, and you can do a lot with that. There is just consistent pressure, but we’re gonna get there,” wika niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.