LIST: International films na panalong-panalo sa Holiday season
DISYEMBRE na mga ka-BANDERA at feel na feel na ang malamig na simoy ng hangin na perfect para sa movie date, pati na rin bilang family o barkada bonding.
Heto ang listahan ng mga bagong pelikulang magpapasaya, magpapakilig, at magpapaiyak sa atin ngayong Holiday season.
Ano kaya ang magiging paborito mo sa big screen?
Baka Bet Mo: LIST: 4 romcom movies na magbibigay kilig sa Holiday Season
Gladiator II
MAKALIPAS ang mahigit dalawang dekada, mapapanood muli ang iconic film na “Gladiator.”
Ang action film ay pinamagatang “Gladiator 2” na ipapalabas sa mga lokal na sinehan sa December 4.
Napanood na ito ng BANDERA nang magkaroon ng advance screening sa SM Megamall IMAX kamakailan lang at sinisiguro naming puno ito ng bakbakan!
Biruin niyo, umpisa pa lang ng kwento may giyera na agad hanggang sa matapos ang pelikula na halos hindi na kami makahinga dahil sa sunod-sunod na matitinding action scenes.
Asahan din na itutuloy nito ang epic battle mula sa unang kabanata sa pangunguna ng mga karakter ni Marcus Acacius na ginagampanan ni Pedro Pascal at Lucius Verus na pinagbibidahan naman ni Paul Mescal.
llan pa sa mga tampok sa pelikula ay sina Denzel Washington, Connie Nielsen, Joseph Quinn at Fred Hechinger.
Narito ang synopsis mula sa Paramount Pictures: “Years after witnessing the death of the revered hero Maximus at the hands of his uncle, Lucius (Paul Mescal) is forced to enter the Colosseum after his home is conquered by the tyrannical Emperors who now lead Rome with an iron fist. With rage in his heart and the future of the Empire at stake, Lucius must look to his past to find strength and honor to return the glory of Rome to its people.”
Kraven the Hunter
Isang iconic villain mula sa Marvel Cinematic Universe (MCU) ang magkakaroon na ng sariling pelikula.
Siya si “Kraven the Hunter” na pagbibidahan ng English actor na si Aaron Taylor-Johnson.
Ang setting ng pelikula ay bago niya maging kalaban ang superhero na si Spider-man.
Tila may pagkakahawig pa nga kung paano nakuha ni Kraven ang kanyang super powers sa tinaguriang friendly neighborhood.
Mapapanood sa upcoming movie na imbes gagamba, si Kraven ay kinagat at nilapa ng isang leon matapos silang mangaso ng kanyang ama.
Mapapanood na ‘yan sa darating na December 11.
The Lord of the Rings: The War of the Rohirrim
Magbabalik din sa big screen ang “The Lord of the Rings,” ngunit ito ay sa pamamagitan ng animation movie na pinamagatang “The Lord of the Rings: The War of the Rohirrim.”
Ito ay mula sa direksyon ni Kenji Kamiyama na masisilayan na sa December 11.
Narito ang synopsis na inilabas ng Warner Bros. Pictures:
“Set 183 years before the events chronicled in the original trilogy of films…[It] tells the fate of the House of Helm Hammerhand, the legendary King of Rohan. A sudden attack by Wulf, a clever and ruthless Dunlending lord seeking vengeance for the death of his father, forces Helm and his people to make a daring last stand in the ancient stronghold of the Hornburg – a mighty fortress that will later come to be known as Helm’s Deep. Finding herself in an increasingly desperate situation, Héra, the daughter of Helm, must summon the will to lead the resistance against a deadly enemy intent on their total destruction.”
Christmas with the Chosen: Holy Night
Sa December 11 din ipapalabas ang Christmas special ng hit series na “The Chosen!”
Ang title naman nito ay “Christmas with the Chosen: Holy Night” na exclusive ng SM Cinemas.
Napanood na rin ito ng BANDERA kasabay ng nakaraang live fan meeting ng bida ng serye na si Jonathan Roumie.
Nako, ramdam na ramdam talaga ang diwa ng Pasko kapag nasilayan mo ang pelikula.
Bukod kasi sa isinalaysay ang kapanganakan ni Hesus, may mga kantahan din na mala-Christmas carolling ang peg pero with a twist dahil sa kakaiba nilang rendition.
Ilan lamang sa mga tampok sa ipinakitang musical videos ay ang The Feast Worship, ang legendary na si Andrea Bocelli at ang kanyang anak na si Matteo, pati na rin ang iba pang global gospel artists.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.