Dwayne Johnson, Chris Evans sanib-pwersa sa bagong action film na ‘Red One’
STAR-STUDDED ang bagong pelikula na mapapanood sa darating na Nobyembre!
Bibida sa upcoming action-packed holiday film na “Red One” ang sikat na Hollywood actors na sina Dwayne Johnson at Chris Evans.
Kalalabas lang ng trailer ng pelikula at puno na ng action scenes at katatawanan ang bumandera.
Baka Bet Mo: Chris Evans 2 beses ikinasal kay Alba Baptista, aminadong enjoy na enjoy ang ‘married life’
Ang istorya ay iikot sa misyon nilang iligtas ang binansagang Father of Christmas na sa Santa Claus.
“After Santa Claus – Code Name: RED ONE – is kidnapped, the North Pole’s Head of Security (Dwayne Johnson) must team up with the world’s most infamous bounty hunter (Chris Evans) in a globe-trotting, action-packed mission to save Christmas,” sey sa synopsis na inilabas ng Warner Bros. Pictures.
Bukod kina Dwayne at Chris, tampok din ang bigating international stars na sina Lucy Liu, Kiernan Shipka, Mary Elizabeth Ellis, Nick Kroll, Kristofer Hivju, J. K. Simmons at Bonnie Hunt.
Ang pelikula ay mula sa direksyon ng sikat na screenwriter and producer na si Chris Morgan.
Para sa kaalaman ng marami, siya rin ang nasa likod ng blockbuster films kagaya ng “Fast & Furious” franchise, “The Mummy,” “Shazam! Fury of the Gods,” “47 Ronin,” at marami pang iba.
Ang “Red One” ay mapapanood sa mga lokal na sinehan sa darating na November 6.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.