Paolo naka-unfollow na kay Yen Santos, ‘private’ din ang IG

Paolo naka-unfollow na kay Yen Santos, ‘private’ din ang IG

Pauline del Rosario - June 20, 2024 - 10:32 AM

Paolo naka-unfollow na kay Yen Santos, ‘private’ din ang IG

PHOTO: Facebook/ Paolo Contis

USAP-USAPAN ang recent social media update ng TV host-actor na si Paolo Contis.

Maraming netizens kasi ang nakapansin na wala na itong fina-follow sa kanyang Instagram page.

Kung dati may isa siyang fina-follow, ngayon as in “zero” na.

Ibig sabihin niyan, inalis na niya ang aktres na si Yen Santos na dati ay nag-iisa sa kanyang listahan na fina-follow sa IG.

Baka Bet Mo: Paolo, Yen patuloy na binabatikos ng netizens; pati past statements binabalikan

Paolo naka-unfollow na kay Yen Santos, ‘private’ din ang IG

PHOTO: Screengrab from Instagram/@paolo_contis

Bukod diyan, naka-private na rin ang kanyang account sa nasabing app.

Kamakailan lang, kumalat ang chikang hiwalay na ang dalawa matapos burahin ni Yen lahat ng litrato nila ni Paolo together.

Bukod dito, in-unfollow din ni Yen ang lahat ng mga pina-follow niya sa Instagram kabilang na ang aktor.

Nang mahingan ng reaksyon ang Kapuso host patungkol sa isyu, ang tanging isinagot niya lang ay “no comment.”

Ipinaliwanag din niya sa pamamagitan naman ng naging interview ng “Fast Talk with Boy Abunda” na nais niyang maging pribado ang kanyang personal life upang hindi na pakialamanan ng publiko.

“I think it’s time na ‘yung mga pribadong bagay, mga walang kinalaman sa pag-arte mo o sa craft mo bilang artista, itira mo na ‘yun para sa sarili mo,” pahayag niya.

Sambit pa niya, “I mean, I’m an actor, ang pinaka-responsibilidad ko is to my co-actors, to GMA, to my bosses, na maging matino akong katrabaho, na maging matino ang trabaho ko. Anything na labas du’n, like my family, or anything na hindi na kasama sa pag-arte ko, I think that’s private.”

Kung matatandaan last year, naunang pinag-usapan ang “breakup rumors” nina Yen at Paolo matapos maugnay ang huli sa kanyang co-host na si Arra San Agustin.

Ngunit agad namang nilinaw ng aktor na nananatili silang magkarelasyon ng kanyang leading lady sa “A Faraway Land”.

“Yes, kami pa ni Yen,” paniniyak noon ni Paolo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nilinaw rin niya ang mga lumalabas na viral TikTok videos nila ni Arra noon ay “maliciously edited.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending