Gerald Santos may dyowang military officer sa US, kinakarir ang LDR
ISA sa mga Filipino celebrities na kinakarir ngayon ang pakikipag-LDR o long distance relationship ay ang singer-actor na si Gerald Santos.
Naging bukas ang binata sa pagbabahagi ng kanyang lovelife nang makachikahan namin siya at ng iba pang opisyal at miyembro ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa naganap na Nominess Announcement para sa 7th The EDDYS.
Kuwento ni Gerald, after ng participation niya sa “Miss Saigon” ng Cameron Mackintosh Productions sa United Kingdom ay nagbakasyon siya sa Barcelona at Paris, bago magtungo sa Amerika para manood sa Broadway.
Baka Bet Mo: Bela masaya sa pakikipag-LDR sa non-showbiz dyowa: Kanya-kanya naman ng trip yan
Habang nasa US, doon na nga niya nakilala ang girlfriend niya ngayong Pinay din na taga-Cagayan de Oro at isang military officer sa Armed Forces ng Amerika.
View this post on Instagram
Isang taon na raw silang LDR kaya tinanong namin ang award-winning performer kung paano nila kinakaya ang malayuang pakikipagrelasyon.
“Mahirap siyempre, hindi madali ang LDR, alam nating lahat iyan. But you know, kung pareho kayong gusto nyong mag-work ang relationship, then it will work.
“Nagtatawagan kami everyday. Talagang communication is key kapag LDR. But I’m thankful actually kasi, two months ako nu’n sa US, so nagkasama naman kami for like a month,” lahad ng singer.
“We got to tour sa Las Vegas, sa Los Angeles. Tapos nu’n, pauwi-uwi siya. Umuwi siya nu’ng November. Tapos, pumunta ako nung December du’n sa New York.
“Nitong April, umuwi rin siya. And then she’ll be here sa concert. She’ll be here again (darating sa June 29),” sey pa ni Gerald.
Baka Bet Mo: 3 tips ni Pia para sa mga LDR couple: Laging mag-usap, honest sa isa’t isa at meron kayong mga plano
Naichika rin niya na napag-uusapan na raw nila ang kasal, “But for now sobrang busy ako dito, may mga naka-line up na mga project.
“Siyempre, tinitingnan na rin natin ang mga aspeto na iyan. Magpamilya. Nandu’n na rin tayo sa edad ng pagse-settle down. Medyo ready na rin talaga. I’m thankful na I started very young. Kaya hindi pa rin naman ganu’n katanda,” pag-amin pa ni Gerald.
This year, ipagdiriwang ni Gerald ang kanyang 18th anniversary sa showbiz sa pamamagitan ng isang bonggang concert, ang “Grateful!” na magaganap sa June 29, p.m. sa Music Museum sa Greenhills.
View this post on Instagram
Ilan sa magiging guests ni Gerald sa “Grateful!” ay sina Ogie Alcasid, Rita Daniela at Rey Valera.
“Obviously si Kuya Ogie is one of my idols. Actually, nung nagsisimula ako sa Pinoy Pop Superstar sa GMA, dalawa sa mga winning pieces ko ay kanta niya.
“So definitely he’s part of my journey as well. So malaki ang influence niya sa aking artistry, and kay Tito Rey, ganu’n din.
“Marami ring songs ni Tito Rey na kinakanta ko and then, si Rita, she’s my contemporary in showbiz.
“So nu’ng manalo ako actually, halos magkasabay lang kami. Sa Pinoy Pop Superstar ako, siya sa Popstar Kids nung time na yun sa QTV 11, sa Channel 11 pa nun.
“Pero nagkasama-sama kami eventually sa S.O.P., sa mga shows sa GMA,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.