Nadine napiling bumida sa PH version ng ‘True Beauty’, tuloy ba?

Nadine napiling bumida sa PH version ng ‘True Beauty’, tuloy na ba?

Pauline del Rosario - June 17, 2024 - 02:49 PM

Nadine napiling bumida sa PH version ng ‘True Beauty’, tuloy na ba?

PHOTO: Instagram/@nadine

NAISULAT namin recently ang tungkol kay Nadine Lustre na posibleng magkaroon ng television comeback ngayong taon ng 2024.

At heto nga, may biglang kumalat na chika na si Nadine daw ang bibida sa upcoming Philippine adaptation ng hit Korean series na “True Beauty.”

Ayon pa sa ulat, kasalukuyan na itong pinag-uusapan ng media giant na ABS-CBN at streaming app na Viu.

Trulili kaya ang mga balitang ito?

Anyway, narito ang viral post about sa nilulutong umano na project series ng aktres.

Baka Bet Mo: Nadine focus muna sa business, pero may TV comeback ba ngayong 2024?

“After the success of #WhatsWrongWithSecretaryKimPH, VIU wants to tap the production of ABS-CBN Studios for the Philippine adaptation of #TrueBeauty [sparkle emoji],” saad sa post.

Dagdag pa, “According to a source, there are now talks between ABS-CBN, VIU and multi-awarded actress Nadine Lustre to play the lead role.”

“NAGBABALIK NA BA ANG MGA TAGA-VIVA SA PUDER NG IGNACIA???” aniya pa at naka-tag pa mismo ang Kapamilya network at ang streaming app.

Ang post na ‘yan ay umaani na ng mahigit 460,000 views sa X (dating Twitter), as of this writing.

Maraming netizens rin ang nagkomento riyan at halo-halong reaksyon ang kanilang inilahad.

 May mga excited, habang may iilan naman ang nagsasabing hindi na bagay kay Nadine ang mga pa-cute na roles at nag-suggest pa sila ng ibang aktres na pwedeng bumagay sa upcoming adaptation.

Kamakailan lang, sinabi ni Nadine sa isang interview na posibleng this year magkaroon na ng update ang upcoming movie niya with Direk Mikhail Red.

Kung matatandaan, last year pa nang inanunsyo ang bagong horror movie ni Nadine na pinamagatang “Nokturno,” ngunit wala pang petsa kung kailan ito ipapalabas.

“We’re still waiting. I don’t really know what update on that is, but definitely this year it will be, you know, they will give us more updates,” sey ng aktres.

Ani pa niya, “Ako lang, hindi ako sure because I’m so busy with other stuff.”

Nang tanungin naman siya tungkol sa kumakalat na chikang pumirma siya ng kontrata sa ABS-CBN, tila nanatiling tikom ang kanyang bibig.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang dami namang nagli-leak…We’ll see,” tugon ni Nadine.

Samantala, bukas ang BANDERA sa pahayag ng aktres at ng ABS-CBN upang mabigyan linaw ang tungkol sa kumakalat na chika.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending