Nadine nagluluksa pero kailangan pa ring mag-work: Napakahirap

Nadine nagluluksa pero kailangan pa ring mag-work: Napakahirap nu’n!

Ervin Santiago |April 09,2024
facebook
share this

Nadine nagluluksa pero kailangan pa ring mag-work: Napakahirap nu’n!

Ervin Santiago - April 09, 2024 - 08:55 AM

Nadine nagluluksa pero kailangan pa ring mag-work: Napakahirap nu'n!

Nadine Lustre

MAHABANG panahon ang kinailangan ni Nadine Lustre para matanggap nang buong-buo ang kanyang sarili at malaman ang kanyang worth bilang tao.

Ayon sa award-winning actress, hindi naging madali para sa kanya ang ma-overcome ang mga insecurities niya sa katawan at ang paglaban niya sa mental health issues.

“It didn’t really happen overnight. It was a long process of just learning to accept who I am,” ang pahayag ni Nadine sa interview ng OneDown.

Baka Bet Mo: Ano nga ba ang rason ng pagre-resign ni Alex Gonzaga sa ‘Lunch Out Loud’?

Inalala ng aktres ang pagsisimula niya sa entertainment industry bilang host sa edad na 7, “It was more of the experience that not every kid who’s my age would get, you know? It was fun for me.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nadine Lustre (@nadine)


“In my teen years, that’s when it got tricky. You start becoming a bit conscious about yourself, and learning more about yourself.

“With that learning comes insecurities, confusion, like not knowing what it is that you want to do,” aniya pa.

Nang mapag-usapan ang tungkol sa pagiging morena, “I’m proud to be Filipino. I’m always at the beach, I love the beach. I love surfing, I love swimming, I love hanging out under the sun – it makes me Nadine.

Baka Bet Mo: VP Leni Robredo kakandidatong pangulo ng bansa: ‘Buong-buo ang loob ko’

“In some places like other nationalities, they want the skin we have. They like the features we have,” pagmamalaki pa niya sa kanyang kulay.

Pero hindi niya itinanggi na dumating din siya sa puntong gumamit ng pampaputi, “I did a lot of things that would just kind of boost up my confidence, and it started with taking glutathione, using whitening products. My insecurities were crazy because of that.”

Naaalala pa niya yung panahong nare-reject siya sa mga auditions, “Every time I would be sent home, I would see all the other girls who are mestiza, that made me feel bad.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nadine Lustre (@nadine)


Samantala, binalikan din ni Nadine ang pagkakaroon ng mental health issues lalo na noong pumanaw ang kanyang kapatid.

Napakahirap daw ng pinagdaanan niya noong ipinagluluksa ang kapatid pero kailangan pa rin niyang magtrabaho, “I was grieving but at the same time, I’m in front of the TV, I had to smile. I had to interact with people like nothing happened, so that was really hard.”

“How they respond was like ‘you just keep working’ ‘you’re going to forget about it.’ Still to this day, every time I think about that time, I still don’t know how I got through that. It was just like autopilot,” sabi pa ni Nadine.

Gustung-gusto na rin daw umuwi ng dalaga sa Siargao, “I look forward to going back home to Siargao, so I can just let go and breathe and not think about anything.”

Pagbabahagi pa niya sa naturang panayam, may pagkakataon na nanonood siyang mag-isa sa sinehan at solong lumalafang sa mga restaurant, “When I started treating myself in that way, it healed me a lot.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa niyaz “Once you finally decide or find out what it is that you want to do, you’ll be like, ‘oh, okay.’ That confusion was a part of me figuring out what I really wanted to do.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending