Kim Chiu, Paulo Avelino bibida sa Pinoy version ng hit K-drama ‘What’s Wrong With Secretary Kim?’, aprub ba sa mga fans?
APPROVED sa ilang mga K-Drama fans ang mga napiling bibida sa Filipino adaptation ng hit South Korean series na “What’s Wrong With Secretary Kim.”
Yan ay walang iba kundi ang mga Kapamilya stars na sina Kim Chiu at Paulo Avelino, fresh from the successful run of their ABS-CBN and Prime video series “Linlang.”
Ang Tagalized version ng naturang South Korean series ay ipinalabas din noon sa Kapamilya Network noong 2018, na pinagbidahan ng Korean stars na sika Park Min-young at Park Seo-joon as Secretary Kim and Mr. Vice-Chairman.
Ang original version nito na isang webtoon-based Korean series ay mula sa leading entertainment company sa Korea na CJ ENM na pumayag ngang gawan ng Filipino remake.
View this post on Instagram
At para sa bagong proyektong ito nina Kim at Paulo ay muling magko-collab ang ABS-CBN Entertainment at Viu Philippines upang bigyan ng bagong putahe ang Filipino viewers.
Mula sa produksyon ng Dreamscape Entertainment, ito na ang kanilang ikatlong pakikipagsanib-pwersa nila sa Viu after “The Broken Marriage Vow” at “Flower of Evil.”
“We extend our heartfelt thanks to Viu for once again placing their trust in ABS-CBN as we embark on yet another exciting partnership.
Baka Bet Mo: Showbiz couple posibleng mawasak din ang relasyon kapag nagkanya-kanya na ng diskarte sa career
“We are thrilled to bring the Philippine adaptation of a popular K-drama series to our viewers as we also showcase Filipino talent across the world,” ang pahayag ni Cory Vidanes, ang COO for Broadcast ng ABS-CBN.
“Offering content that resonates with our markets is key to what we do here at Viu. We are excited to work, once again, with our trusted partner ABS-CBN Entertainment, with Dreamscape at the helm of production in delivering this title to our Viu-ers in the Philippines and across the region.
“As our third collaboration together, we look forward to its success not just in the Philippines but across all our markets,” ang sabi naman ni Marianne Lee, Chief of Content Acquisition and Development ng Viu.
View this post on Instagram
Pahayag ni Sebastian Kim, CJ ENM’s Director for International Content Sales, “We are delighted to announce the continuation of our enduring partnership with ABS-CBN and Viu through the ‘What’s Wrong with Secretary Kim’ remake.
Baka Bet Mo: Jodi Sta. Maria super happy sa collab ng GMA, ABS-CBN, at Viu: It’s the end of rivalry
“Anticipating the unveiling of this culturally adapted rendition, we eagerly await the opportunity to captivate Filipino viewers by bridging the narrative and characters to resonate with local audiences, all the while preserving the inherent charm and essence of the original script,” dugtong pa niya.
Iikot ang kuwento ng “What’s Wrong With Secretary Kim” sa isang gwapo at mayamang narcissistic vice-chairman ng isang malaking kumpanya na ang feeling niya sa sarili ay super perfect.
Magbabago bigla ang takbo ng kanyang buhay nang biglang mag-resign ang kanyang loyal secretary para tuparin ang iba pa niyang pangarap sa buhay.
Base sa ilang K-drama fans, perfect ang pagkakapili kina Kim at Paulo sa “What’s Wrong With Secretary Kim?” Kering-keri raw nilang gampanan ang mga role na unang pinasikat nina Park Min-young at Park Seo-joon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.