Showbiz couple posibleng mawasak din ang relasyon kapag nagkanya-kanya na ng diskarte sa career
HINDI na kami magtataka kung mauwi na rin sa hiwalayan ang relasyon ng aktres at aktor na ilang taon na ring magkarelasyon ngayon.
At dahil nga rito, mukhang malabo na rin silang magkaroon ng project na magkasama.
Kaswal na nabanggit sa amin ng issng TV executive na posibleng iba na ang ipapareha sa aktor kapag tinanggap niya ang proyektong ilalatag sa kanya minus ang aktres na lagi niyang kasama.
May ibang gustong mangyari sa karera niya ang aktres kaya nalungkot ang TV executive na kausap namin dahil nanghihinayang siya sa lakas ng kanilang tambalan sa publiko.
Napakaganda pa naman daw ng pinaplano nilang project para sa magka-loveteam na siguradong ikatutuwa ng milyun-milyon nilang tagasuporta.
Ang aktor na laging kapareha ni aktres ay hindi pa nagpaparamdam pero umaasa ang TV executive na makikipag-meeting din ito sa kanila very soon.
Anyway, naging kapaniwalaan na sa mundo ng showbiz na kapag hindi na nagkakasama ang isang magkarelasyon sa trabaho ay tinatabangan na ang isa’t isa lalo na kung magkalayo pa.
Sa kasalukuyan ay waiting ang kausap naming TV executive sa reply ng aktor kung kailan siya makikipagkita para pag-usapan ang proyektong inaalok nila.
* * *
Ibinalita ng ABS-CBN at Viu ang pagpapalawak ng kanilang partnership sa pag-adapt ng sikat na South Korean thriller drama na “Flower of Evil” sa 16 markets sa Asya, Middle East, at South Africa.
Ang pinakaaabangang serye na ito ang unang Viu Original Adaptation mula sa Pilipinas, na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Piolo Pascual. Ito ay mapapanood sa Viu, 48 oras bago ito ipalalabas sa telebisyon dito sa Pilipinas.
Ibinahagi nina Chief Operating Officer for Broadcast ng ABS-CBN Entertainment, Cory Vidanes at Viu Philippines Country Manager, Arianne Kader-Cu ang kanilang excitement para sa proyekto, na unang Kapamilya drama series ni Lovi, at unang serye ni Piolo mula noong 2018.
Sabi ni Arianne Cu, “Testament to our commitment to bringing the best premium Asian entertainment to Viu-ers, we are happy to work with ABS-CBN once again to bring the Philippine adaptation of Flower of Evil to all of Viu’s 16 markets. This latest offering puts Filipino talent front and centre in the way we do storytelling, supported by a powerhouse cast and a world-class production team.”
Sabi naman ni Cory Vidanes, “Our partnership with Viu on the local adaptation of ‘Flower of Evil’ is a major milestone for ABS-CBN Entertainment. This is an opportunity for us to showcase excellent Filipino content and talent to the global audience in the 16 markets of Viu.”
Dagdag pa niya, “Our local adaptation of the Korean hit love story ‘Flower of Evil,’ a compelling and powerful narrative on love for family, search for truth and justice, is the unanimous choice to open our regional partnership with Viu.”
Kasalukuyang nasa production ang “Flower of Evil” at malapit na malapit nang mag-premiere. Susundan nito ang kwento ng isang misteryosong lalaking itatago ang totoong pagkatao at nakaraan niya mula sa misis niyang police detective.
Ngunit nang mapunta sa misis niya ang imbestigasyon ng isang serial murder case na hindi pa nalulutas, kailangan nitong harapin ang posibilidad na isang mamamatay-tao ang mister niya.
Kasama rin sa serye sina Agot Isidro, Edu Manzano, Denise Laurel, Joross Gamboa, Joem Bascon, Epy Quizon, Rita Avila, Jett Pangan, Pinky Amador, Joko Diaz at JC de Vera.
https://bandera.inquirer.net/312367/bakit-kaya-may-reshoot-ang-teleserye-nina-papa-p-at-lovi-na-flower-of-evil
https://bandera.inquirer.net/293175/lovi-piolo-bibida-sa-pinoy-version-ng-hit-k-drama-na-flower-of-evil
https://bandera.inquirer.net/306455/piolo-patutunayan-ang-pagiging-ultimate-leading-man-magpapatawa-magdadrama-sa-2-bagong-project
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.