Maine may pakiusap sa fans na nagpapa-selfie sa celebs

Maine may pakiusap sa fans na nagpapa-selfie sa celebs, ano kaya yun?

Pauline del Rosario - June 13, 2024 - 11:39 AM

Maine may pakiusap sa fans na nagpapa-selfie sa celebs, ano kaya yun?

PHOTO: Instagram/@mainedcm

BILANG nauuso nanaman ang mga sakit sa panahong ito, may paalala ang TV host-actress na si Maine Mendoza sa madlang pipol.

Ito ay partikular na sa fans na nagpapa-selfie sa mga artista na kanilang iniidolo.

Ayon sa kanya, dapat tigilan ang paghiling na tanggalin ang facemasks ng mga artista sa tuwing magpapa-picture.

Ang rason ni Maine, ito ay dahil na rin sa health and safety reasons, lalo na’t laganap nanaman ang iba’t-ibang mga sakit.

“Random thought dahil ang daming may sakit ngayon,” panimula niya sa X (dating Twitter) post.

Baka Bet Mo: Maine ‘sinita’ ni Art: Where’s the baby? Ano bang ginagawa n’yo ni Arjo?

Sey niya, “People should stop asking anyone to take off their masks when posing for a photo. Some public figures wear masks in public for reasons beyond just avoiding recognition.”

Iginiit pa niya na mahirap magtrabaho kapag may sakit at para maiwasan ito ay dapat laging magsuot ng facemask.

Dagdag niya, “Sometimes, some individuals opt to wear masks because they are unwell and prefer not to risk contracting or spreading a virus.”

“Ang hirap mag trabaho nang masama ang pakiramdam kaya ingat always, fam,” mensahe pa ng aktres.

Sa isang interview recently, sinabi ni Maine na halos isang linggo na siyang nagsa-suffer sa kanyang rhinitis.

“Kuwento ko lang, I’ve been struggling with the worst rhinitis ever, and I was worried it would get triggered during the show because I’ve been sneezing non stop since last Wednesday,” sambit niya.

Samantala noong Marso, nag-react si Maine sa isang blind item na tungkol sa isang female TV host na na-ban umano sa isang beauty clinic dahil sa katarayan.

“Da who [ang] female show host na kilala bilang masa at kalog, [napakataray] in real life,” saad sa isang TikTok post. 

Dagdag pa, “According to a clinic owner, banned na ang host from her business dahil walang respeto sa staff niya ito.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa comment section, libo-libong fans ang sumubok na hulaan ang blind item at karamihan sa kanila, ang tinutukoy ay si Maine.

Dahil diyan, tila naguluhan ang aktres kung bakit siya nadamay at sumagot ng: “Ako agad?”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending