Maine sinita: Where's the baby? Ano bang ginagawa n'yo ni Arjo?

Maine ‘sinita’ ni Art: Where’s the baby? Ano bang ginagawa n’yo ni Arjo?

Ervin Santiago |March 03,2024
facebook
share this

Maine ‘sinita’ ni Art: Where’s the baby? Ano bang ginagawa n’yo ni Arjo?

Ervin Santiago - March 03, 2024 - 11:03 AM

Maine 'sinita' ni Art: Where's the baby? Ano bang ginagawa n'yo ni Arjo?

Maine Mendoza, Arjo Atayde, Art Atayde at Sylvia Sanchez

RAMDAM na ramdam ng mga Dabarkads ang matinding pagmamahal ng pamilya ni Arjo Atayde kay Maine Mendoza.

Sa espesyal na episode kahapon ng “Eat Bulaga” sa TV5, nag-celebrate si Maine ng kanyang 29th birthday kung saan sinorpresa siya ng asawang aktor at kongresista.

Binati rin ang TV host-actress ng mga magulang at kapatid ni Arjo sa pamamagitan ng video message. Unang nag-greet ang mother-in-law niyang si Sylvia Sanchez.

“Hi, ‘Nak! Maine! Gusto ko naman magpasalamat sa yo. Bakit? Kasi dahil sa asawa mo si Arjo, nakikita ko yung anak ko, sa tuwing kausap ko siya… nakikita ko yung sobrang masaya si Arjo.

Baka Bet Mo: Maine hinding-hindi gagamitin ni Arjo para manalo sa Eleksyon 2022; ayaw isama sa kampanya

“Nakikita ko yun sa galaw, sa kilos niya, sa mga mata niya, at sa ngiti niya. Masaya ang anak ko dahil sa yo, dahil sa pagmamahal mo sa kanya, at pag-aalaga mo sa kanya.

“At dahil diyan, ‘Nak, gusto ko lang din sabihin sa yo na ako, ang Daddy D mo, at ang mga kapatid mo ay andito kami lagi para sa yo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maine Mendoza Atayde (@mainedcm)


“Handang sumuporta sa yo anytime, anak. At ang wish ko sa yo, maging masaya pa. Yung totoong kaligayahan, yung totoong kasiyahan, anak.

“Kasama si Arjo sa binubuo niyong pamilya. Happy, happy birthday, ‘nak! I love you so much!” ang buong pahayag ni Ibyang.

Kitang-kita naman ang pagkabigla ni Maine nang bumulaga sa screen ang kanyang father-in-law na si Art Atayde na hindi masyadong pumopronta sa mga camera kahit pa buong pamilya niya ay nasa showbiz na.

Baka Bet Mo: Alden nagsalita na sa walang kamatayang tsismis: ‘Wala po kaming anak ni Maine, yan po ang totoo’

“First of all, I would like to greet my very nice, very loving, and beautiful daughter-in-law, Maine Atayde, a very, very happy birthday. Ayan Maine ha, pinupuri kita dahil birthday mo,” simulang mensahe ni Papa Art. Dito nga napatakip ng bibig si Maine saka natawa.

Pahayag pa ni Art, “Pero, tumatanda ka na. So, where’s the baby? Ano ba ang ginagawa ninyo ni Arjo? Palibhasa, puro shopping siguro?”

“Alam ko ‘di ka naman makakaganti ngayon kaya naisahan na kita. As I said, kidding aside, I wish you all the best and hope you will have a good one.

“Just remember that we will always be here for you and we love you. Happy, happy birthday!” aniya pa.

Hirit naman ni Bossing Vic Sotto, “Sugutin mo yung tinatanong ng father-in-law.”

Tugon ni Maine, “Coming soon!”

Bumati rin kay Maine ang aktres at isang kapatid ni Arjo na si Ria Atayde “Hi, Sisms! Happy, happy birthday! First of all, thank you for loving Arjo the way you do and for extending that love to all of us.

“You know that the more I spend time with you, the more and more I love you. And I’m just so grateful you’re the new addition in our family. Kasi, super. Like, thank you talaga. Yun lang.

“You already know the rest and I’m gonna keep this short and just say I really wish that this year gives you everything your heart desires.

“And I’m always just here for you. I love you! Happy birthday, Sisms!” mensahe pa ni Ria.

Siyempre, may birthday message rin ang parents ni Maine na sina Mary Ann at Teddy Mendoza.

“Hi, Meng. Happy birthday. Palagi mong tandaan na you’re always surrounded by the love of your friends and family.

“And we cherish you. Sana magkaroon ka pa ng maraming birthday at mag-iingat ka parati.

“Salamat sa mga surprises, salamat sa mga blessings na sini-share mo hindi lang sa family mo, hindi lang sa mga friends, kung hindi pati sa mga taong nangangailangan.

“Just always remember, we love you so much. Ingat ka parati and God bless.
Happy birthday again,” ang pahayag ni Mary Ann para kay Maine.

Sabi naman ng ama ni Maine na si Teddy, “Lagi mong tandaan nandito ang pamilya na kasuporta sa inyong mag-asawa, si Arjo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“At kami naman, masaya din dahil nakatagpo ka na isang kamukha ni Arjo na magpagmahal at nagkakaunawaan kayo sa lahat ng oras. Happy birthday!” sabi pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending