Ruby Rodriguez masaya sa muling pagkikita nila nina Maine Mendoza at Arjo Atayde: Happy to be of help | Bandera

Ruby Rodriguez masaya sa muling pagkikita nila nina Maine Mendoza at Arjo Atayde: Happy to be of help

|October 13,2023
facebook
share this

Ruby Rodriguez masaya sa muling pagkikita nila nina Maine Mendoza at Arjo Atayde: Happy to be of help

- October 13, 2023 - 03:08 PM

Ruby Rodriguez masaya sa muling pagkikita nila nina Maine Mendoza at Arjo Atayde: Happy to be of help

SUPER happy ang dating TV host-actress na si Ruby Rodriguez nang muli niyang makita at makasama ang dating co-host sa “Eat Bulaga” na si Maine Mendoza.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang larawan nila nina Maine kasama ang asawa nitong si Arjo Atayde.

Bumisita kasi sina Maine at Arjo sa Philippine consulate kubg saan nagtatrabaho naman si Ruby.

Hindi nga maitago ng dating “Eat Bulaga” host ang happiness matapos makita ang dating kasamahan.

“It was so nice the feeling of seeing you both after such a long time as Mr & Mrs. @mainedcm @arjoatayde [red hearts emoji],” caption ni Ruby sa kanyang post.

Dagdag pa nito, “So happy to be of help. Thank you for the chat, safe trip and till the next time we see each other again. #legitdabarkads.”

Baka Bet Mo: Ruby nagdesisyong magtrabaho sa US para sa anak na may sakit: Yung 1 gamot niya P25k na kada buwan

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Makikita naman sa comment section ng post ni Ruby ang reply ni Maine.

Aniya, “Thank you, taruuuubs!!! [red heart emojis].”

Mukha namang maraming mga dabarkads ang naka-miss na makita sina Ruby at Maine na magkasama.

“Kakamiss Kayo sa EAT legit dabarkads,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Beautiful reunion Miss Ruby with Cong Arjo and wife Maine. Hope to see you at EB soon. God bless you and your family.”

“miss you ta rubs miss you maine uwi kana,” sey ng isa.

Chika naman ng isa pang dabarkads, “I remembered po Ma’am Ruby magkasama kayo ni Maine and Paolo sa isang lenten special ng Eat Bulaga. Beautiful story.”

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakapag-reunite siya sa mga dating kasama sa longest noontime show na “Eat Bulaga”.

Noong July nang ibandera ni Ruby ang larawan nila ni Jose Manalo nang bumisita ito sa Amerika.

Noong Agosto naman ay muli silang nagkita ng kanyang anak-anakan na si Alden Richards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bago lumipad papuntang Amerika si Ruby kasama ang asawang si Mark Aquino at mga anak na sina Toni at AJ, naging parte muna ito ng Kapuso series na “Owe My Love” noong 2021 na pinagbidahan nina Lovi Poe at Benjamin Alves.

Related Chika:
Ruby Rodriguez binisita ni Jose Manalo, magiging parte rin kaya ng ‘E.A.T.’?

Hirit ni Joey kay Ruby: Marunong pa kaya siyang mag-Tagalog? Kilala pa kaya niya tayo?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending