Ruby Rodriguez binisita ni Jose Manalo, magiging parte rin kaya ng ‘E.A.T.’?
MULING nagkita ang magkaibigan at ang legit na magka-dabarkads na sina Ruby Rodriguez at Jose Manalo.
Sa kanyang Instagram page ay ibinahago niya ang kanilang larawan na magkasama na uploaded ngayong araw, July 7.
“Look who visited me! My buddy legit dabarkads Jose Manalo,” pagbabahagi ni Ruby.
Nagpasalamat naman ito sa kaibigan sa mga dala ng komedyante para sa kanyang mga anak.
Sey pa ni Ruby, “Miss u brad. lalo na sa pasalu para sa mga bagets!!!”
Kitang-kita naman na marami sa mga netizens ang nasabik sa muling pagsasama ng dalawa na matagal ring nagkasama sa longest noontime show na “Eat Bulaga”.
Makikitang nag-comment rin ang isa pa sa kasamahan nina Ruby at na si Paolo Ballesteros ang nagbigay komento sa muling pagkikita ng dalawa.
“Awww misshooo labyuuu,” sey nito.
Baka Bet Mo: Ruby nagdesisyong magtrabaho sa US para sa anak na may sakit: Yung 1 gamot niya P25k na kada buwan
Maski sina Danica Sotto-Pingris at Pauleen Luna-Sotto ay nag-comment ng heart emojis.
May ilang netizens naman ang nagsasabing bumalik na si Ruby sa Pilipinas at makikulit na rin sa “E.A.T.” ang bagong show ng TVJ at dabarkads sa TV5 at tila nasagot kung bakit wala ang komedyante sa episode ng show ngayong araw.
“Ingat po, Sir Jose M. I miss seeing you guys 6x/week. Now, that TV5 does not have airing in the US like GMA, I can not watch you guys anymore,” saad ng isang netizen.
Comment pa ng isa, “Oh wow …kaya pala wala si Jose sa EAT. Also Wally. Hope makabalik ka na din Ms Ruby, iba ang dating DABARKDS LALONG MASAYA.ingat kayo!”
Dagdag pa ng isa, “Sugod sa U. S. A. ang narating Wow! Sinusundo ka na TaRubs… Dahil isa kang legit dabarkads”
Related Chika:
Ruby hindi nag-resign sa Bulaga: Ang makakasagot lang kung tinanggal ako o hindi, ay sila
Ruby Rodriguez sa US na magtatrabaho; bakit nga kaya nawala sa Eat Bulaga?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.