Hirit ni Joey kay Ruby: Marunong pa kaya siyang mag-Tagalog? Kilala pa kaya niya tayo? Bandera

Hirit ni Joey kay Ruby: Marunong pa kaya siyang mag-Tagalog? Kilala pa kaya niya tayo?

Ervin Santiago |January 12,2022
share this

Hirit ni Joey kay Ruby: Marunong pa kaya siyang mag-Tagalog? Kilala pa kaya niya tayo?

Ervin Santiago January 12, 2022 - 03:54 PM

Joey de Leon, Pauleen Luna at Ruby Rodriguez

HANGGANG ngayon ay itinuturing pa rin nina Pauleen Luna-Sotto at Ruby Rodriguez ang isa’t isa bilang mag-BFF kahit pa nga magkalayo sila ngayon.

Nasa Amerika na ngayon si Ruby kasama ang kanyang pamilya at doon na rin siya nagtatrabaho. Bigla na lang siyang nawala sa Kapuso noontime show na “Eat Bulaga” noong kasagsagan pa ng pandemya.

Aniya sa isang panayam, hindi rin daw niya alam kung bakit hindi na siya pinabalik sa show nang magluwag na ang gobyerno sa mga health protocols. Pero paliwanag ni Ruby, talagang nakaplano na rin naman ang pag-alis niya patungong US.

In fairness, kahit nga malayo na sila sa isa’t isa ay hindi pa rin nakalimutan ni Pauleen na batiin si Ruby noong ika-56 kaarawan nito last Jan. 10 sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Nagbahagi ang asawa ni Bossing Vic Sotto ng litrato nila ni Ruby sa IG kalakip ang mensaheng, “I lived my best single years because of YOU! May it be our adventures abroad or just simply lounging in Mapangakit with dusters on. THANK YOU!

“You may be far in distance but will always be in my heart (as in andito ka lang sa Pinas) i love you my bff @rodriguezruby ! Happy happy birthday!!!!” sabi pa ni Poleng sa caption ng kanyang IG post.

Sinagot naman ni Ruby ang pagbati ng kaibigan at kumare at sinabing miss na miss na niya ito kasabay ng pangako na forever niya itong ituturing na kaibigan.

“My Bff @pauleenlunasotto you will always and forever be my bff! I love you and not a day passes that i do not miss you and our chinnanigans️ love you my friend,” pahayag ni Ruby na empleyado na ngayon sa Philippine Consulate General sa Los Angeles, California.

Samantala, marami pang celebrities ang bumati sa Kapuso comedienne pero ang talagang napansin ng mga netizens ay ang iniwang comment ni Joey de Leon sa IG post ni Pauleen.

Birong hirit ni Joey sa dating co-host ng “Eat Bulaga”, “Marunong pa kaya si Ruby magtagalog? Kilala pa kaya nya tayo? Well, Maligayang Kaarawan is Happy Birthday in case you know!” 

Maraming naintriga sa comment ni Joey na nagsabing medyo offensive ito at nakakainsulto. Pero may mga nagtanggol naman sa veteran comedian at ipinagdiinan na joke lamang ito at hindi dapat bigyan ng kulay o malisya.


Sa isang panayam, sinabi ni Ruby na nami-miss na niya ang mga Dabarkads at umaasa siya na sa pagdating ng tamang panahon ay makabalik pa rin siya sa “Eat Bulaga.”

Sabi pa ng komedyana, baka magtagal pa siya sa Amerika dahil kailangan niyang tutukan ang anak na si AJ na may mga special needs.

“My husband and kids have been citizens here for over 10 years. Hindi lang po ako nagpe-permanent stay. Hindi ko ito ikinahihiya and I am very proud of it, my son is a special student.

“Meron pa siyang rare na auto-immune disease na ang tinitira ay ang kidneys. It is very rare. 

“We’re trying to avoid that he gets a kidney transplant because he’s too young to get that. Family first and it’s my son. Kaya ako nagtatrabaho para sa mga anak ko lalung-lalo na sa kanya, para kay AJ,” paliwanag pa ni Ruby.

Ruby nagdesisyong magtrabaho sa US para sa anak na may sakit: Yung 1 gamot niya P25k na kada buwan

Ruby hindi nag-resign sa Bulaga: Ang makakasagot lang kung tinanggal ako o hindi, ay sila

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending