Jolina binarag dahil sa naging message kina Carlo at Charlie

Jolina binarag ng netizens dahil sa naging mensahe kina Carlo at Charlie

Ervin Santiago - June 11, 2024 - 10:25 AM

Jolina binarag ng netizens dahil sa naging mensahe kina Carlo at Charlie

Charlie Dizon, Carlo Aquino, Mark Escueta at Jolina Magdangal

KALIWA’T KANANG banat ang natitikman ngayon ni Jolina Magdangal dahil sa pagbati niya sa bagong kasal na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon.

Talagang bugbog-sarado ang actress-TV host sa mga netizens nang dahil lamang sa ipinost niyang mensahe para sa celebrity couple.

Ikinasal last Sunday, June 9, sina Carlo at Charlie sa Alta Veranda de Tibig, sa Silang, Cavite, na dinaluhan ng kanilang respective families at mga malalapit na kaibigan in and out of showbiz.

Baka Bet Mo: Pokwang kay Lee: What if ipinaglaban niya kami at hindi nanggamit?

At isa nga sa mga um-attend sa wedding ay si Jolina kasama ang asawang si Mark Escueta. Sa kanyang Instagram page, nagbahagi si Jolens ng kanyang message para sa bagong kasal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mark Escueta (@markescueta)


Kalakip ang mga wedding photos nina Carlo at Charlie ang kanyang pahayag na nag-manifest din siya para sa “forever” ng magdyowa na nagkatotoo naman.

“Sabi ni April (totoong pangalan ni Charlie) sa vows nya totoo daw pala ang manifesting. Gusto ko lang share na isa ako sa nagmanifest para sa forever nyo.

“At yung mga sinabi ni Kaloi (palayaw ni Carlo) sa vows naman nya kung paano nya iingatan, aalagaan at mamahalin si April, alam na alam ko na puso nya ang nagsasalita.

“Thankful ako na nawitness ko ang kanilang pag iisang dibdib.

Baka Bet Mo: Chito inamin kung paano napasagot si Neri: I made sure na hahanap-hanapin niya ako

“Kaloi, bilang bata ka pa magkakilala na tayo, alam ko kung gaano ka kabait na anak at mapagmahal sa family mo. Sobrang happy ko talaga para sayo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Notion in Motion Wedding Films (@notioninmotion)


“April, mula nung malaman ko na mag sister tayo kay Nanay Nenet, nasundan na kita and ina-admire talaga kita sa galing mo sa craft mo pero higit sa lahat, sa pagka humble mo.

“Congratulations and best wishes!!!

“Ps, sarap makawitness ng mga kaibigan na pa-forever tapos kasama ko ang aking forever…(love you mahal),” ang buong IG post ni Jolina.

Pinusuan ng ilang netizens ang naging pahaya ni Jolina pero marami rin ang nambasag sa kanya kasabay ng pagbanggit sa ex-partner ni Carlo na si Trina Candaza, ang ina ng kanyang anak na si Mithi.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon sa comments section ng IG post ni Jolens.

“Grabe naman caption mo jolens na ‘mapagmahal sa pamilya’ knowing the fact na iniwanan nya magina nya. Oyan na bash ka tuloy! Kunsinti pa more,”

“I’m so disappointed sayo jolina Hindi mo manlang naisip Yung mag Ina nya na pinag palit nya sa tawag ng laman tang…..na.”

“Maganda sana kung naging mabuting ex si Carlo sa nanay ng anak nya, pede pa maintindihan ng mga tao na baka nga nag bago sya. Kaso sa pain na kinause nya sa maraming babae kagaya natin. Hndi sya credible na maalam mag mahal or rumispeto ng isang babae. Pano pa kung hindi sincere pag susustento sa anak? Madaming factor need iconsider sa ganyang klaseng lalaki. Hindi porket nagpakasal eh nag bago or matured na lalaki na. Buti hindi sila nagka tuluyan ni Trina kasi hndi nya deserve ang isang baby boy kundi a REAL MAN.”

“Mapagmahal sa family? Are u kidding? What do u call a man who turned his back to his very own flesh for his own sakes happiness? Like seriously!!!???”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Myio Okamoto Photography (@myiookamoto)


“Ang hirap maging masaya para sa mga taong nang apak at nanakot ng iba. Sana hindi pag daanan ni charlie yung sakit na pinag daanan nina mithi and trina. Only then she will understand how painful it is maiwan ng lalaking kagaya ni carlo aquino. Wag sana.”

“Dami naman bitter sa comment lol e hindi nio mapipilit c carlo na mag stay dun sa x / mag-ina nya kung hindi naman na ito masaya, and more than that. buti nga di pa kinasal dun kasi hiwalayan lang din naman pla mapupunta kahit may anak na. Hindi porket sabihin na may anak sila e duon na ma stock buhay nya Hahaha sa pinakasalan mas matindi ang pagmamahal e wala kau magagawa I’m happy for carlo and the girl. Best wishes.”

“Puro kau kawawa si Trina, Hindi nya ako hater at mas Lalo Hindi ako fans ng dalawa na Yan,,pero Sana isipin nyo mas kawawa si Trina,carlo at anak nila kung patuloy Sila magsasama ng dahil lang sa Bata pero Hindi na Sila Masaya lalaki Ang Bata na puro nlang away Ang magulang nya, Isa pa wag nyo isisi Kay Carlo Ang lahat dahil lahat Naman Tayo my ugaling pangit na tinatago, cguro.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Comment naman ni Jolina sa mga nagtanggol sa kanya, “Salamat sa malawak na pang unawa.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending