Jolina Magdangal dinenay na mawawala ang 'Magandang Buhay'

Jolina Magdangal dinenay na mawawala na ang ‘Magandang Buhay’

Therese Arceo |May 01,2024
facebook
share this

Jolina Magdangal dinenay na mawawala na ang ‘Magandang Buhay’

Therese Arceo - May 01, 2024 - 10:31 PM

Jolina Magdangal dinenay na mawawala na ang 'Magandang Buhay'

PINABULAANAN ng TV host-actress na si Jolina Magdangal ang kumakalat na chikang namaalam na raw sa telebisyon ang kanilang morning show na “Magandang Buhay”.

Sa naging panayam sa kanya ng taleny manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz, sinabi nito na walang katotohanan ang naturang chika.

Nausisa kasi ni Ogie si Jolina na isa sa mga hosts ng naturang show ukol sa chika dahil panay replay episodes na lang ang napapanood ng mga tao.

“Hindi totoong nag-end na ang ‘Magandang Buhay’?” tanong ni Ogie.

Baka Bet Mo: Jolina Magdangal ultimate dream na makatrabaho si Charo Santos; gustong sumabak sa pagkokontrabida

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Hindi, kasi feeling ko rin kung mag-end ‘yon, bakit hindi kami magpo-post? Or bakit hindi kami magte-thank you sa lahat ng nanonood, ‘di ba. Pero dahil okay ‘yong ‘Magandang Buhay’ pa, why not na panoorin pa rin natin kahit replay?” pagpapaliwanag ni Jolina.

Pagpapatuloy pa niya, “Pero sa ngayon nga siguro ang napapanood siguro nila ay mga replay dahil talaga naman from the start naman no’ng pandemic saka no’ng nagkaroon nga ng problema tayo sa network, ‘yon naman ‘yong sinabi talaga sa amin na may mga replay na.”

Aniya, dahil raw sa nangyari sa ibang channels ay puro replays muna ang pinapalabas.

“But masaya kami na bago matapos ang April mayro’n na ulit kaming mga episode na ite-tape,” sey pa ni Jolina.

Paniguradong maraming magiging pasabog sa muling pagbabalik ng mga episodes ng Kapamilya morning show kung saan kasama niya ang dalawa pang momshies na sina Regine Velasquez, at Melai Cantiveros.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending