Dasal ni Jolina didinig: may asawang musician, 2 mababait na anak

Dasal ni Jolina dininig: may musikerong asawa at 2 mababait na anak

Ervin Santiago |February 22,2024
facebook
share this

Dasal ni Jolina dininig: may musikerong asawa at 2 mababait na anak

Ervin Santiago - February 22, 2024 - 08:15 AM

Jolina natupad lahat ng dasal, may musikerong asawa at mababait na anak

Mark Escueta, Jolina Magdangal, Pele at Vika Escueta

HALOS lahat ng pinangarap ng Kapamilya actress at TV host na si Jolina Magdangal ay natupad, kabilang na ang magkaroon ng buo at masayang pamilya.

Pagkatapos ng matagumpay na reunion concert ng OPM rock band na Rivermaya, emosyonal na nagbahagi si Jolens sa madlang pipol ng nararamdaman niyang over-over na kaligayahan.

Isa ang TV host-actress sa mga nanood ng makasaysayang Rivermaya reunion concert last February 17 na ginanap sa  SMDC Festival Grounds sa Parañaque City.

Siyempre, all-out support si Jolina sa kanyang asawang si Mark Escueta na isa sa mga original members ng Rivermaya, kung saan nakasama rin ang kanilang mga anak na sina Pele at Vika.

Baka Bet Mo: Bea: Hindi ko pinangarap maging beauty queen…pinakaayaw ko yung nagpa-fashion show

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Jolens ng ilang pictures habang ine-enjoy ang performance ng kanyang asawa at ng iba pang dating miyembro ng banda – sina Bamboo Mañalac, Rico Blanco at Nathan Azarcon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jolina Magdangal Escueta (@mariajolina_ig)


“Napaka surreal ng lahat para sa’kin. Kasi itong ito ang dinasal ko noon…ang magkaroon ng asawa na ipaparamdam sa ‘kin araw-araw na hinding-hindi ako nag-iisa sa saya lalo na sa hirap ng buhay at sana bonus na musikero sya.

“At kasama sa dinasal ko na magkaroon ng mabubuting anak,” ang unang bahagi ng caption ng “Magandang Buhay” host.

Baka Bet Mo: Judy Ann hindi pinangarap sumikat nang bonggang-bongga: ‘Gusto ko lang bumili ng rubber shoes at magkaroon ng bank account’

Patuloy pa ni Jolina, “At nung naging kami na ni Mark, nagdedaydream din kami na pag nagka-anak kami, nasa audience ako at mga anak namin tapos todo cheer para sa kanya. Lahat nangyari.”

Aniya, talagang pigil na pigil daw siya sa pagpo-post ng mga litrato na kuha sa  paghahanda ng iconic OPM band para sa kanilang reunion concert.

“Sa nakaraang 3 araw bago yung day ng concert… ingat na ingat ako magpost ng mga pictures na nakakasama kami nina Pele at Vika sa mga rehearsal ng Rivermaya kasi gusto ko talaga sumunod sa rules.

“Ni isang bakal ng scaffolding ng stage tinitignan ko baka may makita sa post, kaya di ko namalayan halos hindi na pala ako nag post ng kahit ano,” sey pa ni Jolens.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jolina Magdangal Escueta (@mariajolina_ig)


Dagdag pa niyang revelation, “Pero alam nyo ba,, gustong sumabog ng puso ko araw araw sa hindi ko madetalyeng kwento kung ano nararamdaman ko… pero sure na sure ako hindi tae to!”

Abot-langit din ang pasasalamat niya sa Diyos sa pagbibigay sa kanya ng isang pamilya na talagang pinangarap niya.

“Iba talaga ang timing ni Lord, sa mga panahong napanghihinaan ako ng loob dahil sa ibang tao o bagay, ang laki ng ipapakita at ipaparamdam nya sakin na… ang dami kong dapat ipagpasalamat dahil napakaswerte ko sa pamilya ko,” mensahe ni Jolina.

Samanta, sa isa pa niyang IG post, makikita ang ilang litrato na kuha sa  rehearsals ng Rivermaya.

“Habang nanonood ng rehearsal, ito ang mga oras na pigil na pigil ako kiligin, sumigaw, tumalon, sumabay sa kanta. Ang hirap pala talaga… kinabag ako at nung gabi ko na lang nailabas ang…,” sey ni Jolens.

Sa IG post naman ng kanyang asawang si Mark makikita ang picture ng kanilang pamilya kasama ang drum set nito na ginamit sa kanilang concert.

“This is how I reminded myself that I wasn’t dreaming… Love you Mama, Pele & Vika. Para sa inyo ang lahat. Thank you Lord, sobra,” ang caption ni Mark.

“To work with these two again (Bamboo and Rico), ayun palang okay na okay na sa ‘kin,” sabi ni Mark sa isang panayam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chika naman ni Rico, “Happy lang ako na may new era sa friendship namin, sorry to be senti guys, but mas excited ako doon na we are in touch again and where everyone’s cool.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending