Ice Seguerra muntik nang mabiktima ng pekeng Jolina: Ingat kayo!
BUTI na lang at mabilis ang isip ng OPM icon na si Ice Seguerra kaya epic fail ang plano ng isang scammer na lokohin siya at makapagnakaw ng pera.
Grabe ang ginagawa ng mga sindikato ngayon sa internet at social media, talagang mga kilalang personalidad na ang binibiktima nila gamit ang pangalan ng mga sikat ding celebrities.
Baka Bet Mo: Janice suko na sa love: Kasi fail ka nang fail, baka hindi para sa ‘yo’
Ang modus nila ay ang panghihingi ng pera at donasyon sa kanilang mga biktima para raw sa relief mission na kanilang ginagawa na ipamimigay nila sa sa mga biktima ng bagyong Carina.
View this post on Instagram
Isa nga sa mga muntik nang maloko ay ang singer-songwriter na si Ice Seguerra at ginamit pa raw ang pangalan ni Jolina Magdangal para magoyo siya. Buti na lang daw at naunahan na niya ang scammer.
“Posting this because someone’s using Jolina’s name asking for funds.
“Buti na lang, nakausap ko agad si Mark Escueta and na-confirm ko na ginagamit lang ang pangalan ni Jolina. Ingat kayo!” ang babala ni Ice sa kanyang Facebook page.
Ibinahagi rin ni Ice ang palitan nila ng private message ng nagpapakilalang si Jolina.
“Hi Ice,
“How are you?” ang pasakalye ng pekeng Jolina.
“I have a favor lang sana if that’s okay.
“I am collecting funds kasi right now for typhoon Carina Ph victims. Pupunta kami ng husband ko this 6pm sa Marikina to help. I just want to ask if you can give even a little extra lang to help the victims?
Baka Bet Mo: Batman, Super Girl, The Flash nagsama-sama sa bagong pelikula ng DC
“Even a little to add funds lang please,” mensahe pa ng scammer.
View this post on Instagram
Sinagot siya ni Ice pero alam na nitong poser ni Jolina ang ka-chat dahil nakausap na nga niya si Mark, “That’s a good gesture. I’m helping out na rin coz I have my own org, eh!”
Hindi na nabanggit ni Ice kung sumagot at namilit pa rin ang scammer pero todo ang pasalamat sa kanya ng asawa ni Jolens sa pagpo-post niya sa FB para mabalaan ang publiko.
“Thank you talaga, Ice!” ang mensahe ni Mark sa FB post ng singer-songwriter.
Sa comments section ng Facebook post ni Ice, mababasa ang post ng Kapamilya singer na si Jed Madela. Aniya, “Nag-message rin sa akin ‘yan!”
Kaya ingat-ingat mga ka-BANDERA sa mga demonyong naglipana sa socmed na walang awang nambibiktima ng mga inosenteng tao na lumalaban nang paras sa buhay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.