Janice suko na sa love: Kasi fail ka nang fail, baka hindi para sa 'yo'

Janice suko na sa love: Kasi fail ka nang fail, baka hindi para sa ‘yo’

Ervin Santiago |February 04,2024
facebook
share this

Janice suko na sa love: Kasi fail ka nang fail, baka hindi para sa ‘yo’

Ervin Santiago - February 04, 2024 - 10:30 AM

Janice suko na sa love: Kasi fail ka nang fail, baka hindi para sa 'yo'

Janice de Belen

MUKHANG wala na talagang balak si Janice de Belen na magkadyowa at muling pumasok sa isang seryosong relasyon.

Aminado ang award-winning actress na quota na siya sa lovelife matapos mabigo nang ilang beses sa larangan ng pag-ibig.

Sa panayam kay Janice ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Biyernes, February 2, napag-usapan nga ang tungkol sa kanyang buhay-pag-ibig.

“Are you too broken to fall in love again?” ang diretsahang tanong ni Tito Boy kay Janice dahil nga ang feeling ng ibang tao ay na-trauma na siya sa mga lalaki.

Baka Bet Mo: Heart Evangelista ibinandera ang pagde-debone ng bangus: I did it but I failed!

“I have really never thought of that, ‘yung broken. But now that you have brought it up, I think I’ve been broken enough,” ang sagot ng aktres.

Nabanggit din ni Janice na wala na siyang malalim na pakagulugan sa salitang lovelife, pero aniya, “‘Pag type ko sila, type nila ‘ko, eh ‘di siyempre, ‘di ba? Ang saya, ‘di ba?”

“Siyempre, nu’ng nag-asawa ako, it was different kasi feeling mo, ‘yun na ‘yung true love mo, ‘yun na ‘yung forever mo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“And then, when it fails, then you try again, and then it fails. And okay, maybe I should stop doing this. Kasi fail ka nang fail eh. Baka hindi ‘yan para sa ‘yo,” paliwanag pa ni niya.

Patuloy pa niya, “Alam ko naman that everybody who wants to say na, ‘No, don’t be broken’ means well. But this is my story. This is how I felt, and I’m done with that.”

Baka Bet Mo: Ruffa nais maging first lady; naloka sa mga nangangaliwa

Sa isyu naman ng forgiveness, “I will not get to this stage in my life kung hindi ako natutong magpatawad. And I think that was the first thing that I wanted to do, was forgive. But forget is another story.”

Sa ngayon daw ay kuntento na siya sa mga lalaki sa kanyang buhay, ang tatay niya, mga anak at mga apo sa anak nila ni Aga Muhlach na si Luigi.

“Minsan-minsan, ‘yung mga K-drama (Korean actors), ‘yun sila, oo. Minsan importante sila sa ‘kin pero ‘yun na lang,” natatawang chika pa ng seasoned actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang ikinasal si Janice kay John Estada noong 1992 at biniyayaan ng apat na anak, sina Inah, Moira, Kaila, at Yuan. Napawalang-bisa naman ang kanilang kasal noong 2004.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending