Joao Constancia umiyak nang mapag-usapan ang Father's Day

Joao Constancia napaiyak sa presscon nang mapag-usapan ang Father’s Day

Ervin Santiago - June 05, 2024 - 05:17 PM

Joao Constancia napaiyak sa presscon nang mapag-usapan ang Father's Day

Joao Constancia

NAPAIYAK ang actor-singer na si Joao Constancia sa ginanap na presscon ng TV5 para sa bago nilang teleserye na “Padyak Princess.”

Hindi napigilan ng binata na maging emosyonal nang mapag-usapan ang tungkol sa mga tatay at sa nalalapit na selebrasyon ng Father’s Day.

Natanong kasi sa naganap na mediacon ng “Padyak Princess” ang cast members sa pangunguna nga nina Miles, Joao at Jameson Blake kung anu-ano ang mga life lesson na natutunan nila sa kanilang mga tatay.

Baka Bet Mo: Vhong Navarro pinaiyak ang madlang pipol sa pagbabalik-‘Showtime’: ‘God is always good!’

Pero hindi pa man turn ni Joao ang sumagot ay napaiyak na agad siya, as in tuluy-tuloy ang kanyang pagluha kahit pa pinipilit niyang huwag maging emosyonal mang mga oras na yun.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ayon sa binata, “Ako lang po kasi mag-isa dito. My whole family is in Macau. When it comes to family talaga, it’s something special and close to me.

“Cause right now, being here by myself in the Philippines teaches me how important is talaga to be with your family talaga,” pahayag ng isa sa mga leading man ni Miles sa “Padyak Princess” ng TV5 at APT Entertainment.

Ipinagmalaki rin ni Joao na ang kanyang ama na raw ang pinaka-giving person na nakilala niya sa buong buhay niya.

“He’s been supportive with all of my dreams and stuff. The most important lesson that I learned from my Dad is to be greatful of the simple things in life.

Baka Bet Mo: Rita Daniela biglang napaiyak sa presscon ng ‘Huling Ulan sa Tag-araw’; tinawag na ‘partner in life’ si Ken Chan

“Cause you know, we’re not here every day, we don’t know when we will disappear from earth but just be grateful with everything talaga sa buhay mo. It could be just your friends, family, you know,” dagdag pa niyang pahayag na tuloy pa rin sa pag-iyak.

Mensahe pa niya sa mga magulang, “Mom, dad, I miss you guys.”

Sa kabila ng lahat, feeling blessed and grateful pa rin si Joao dahil patuloy siya bine-bless sa kanyang showbiz career. Todo ang pasalamat niya sa TV5 at APT Entertainment dahil isa siya sa mga napiling itambal kay Miles sa “Padyak Princess”.

In fairness, pagkatapos ng mga supporting roles na ginampanan niya sa mga teleserye, ang huli nga ay ang “Can’t Buy Me Love”, heto’t bidang-bida na nga siya sa “Padyak Princess” bilang leading man.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Super-blessed because again, I’m one of the leading men dito sa show namin, and coming from all my other past projects, this is…honestly, hindi pa nagsi-sink-in sa akin masyado na ‘wow, Joao, kasama ka na dito sa ‘Padyak Princess,’ bida ka na dito,’” pahayag pa ni Joao.

Hanggang ngayon daw ay hindi pa rin siya makapaniwala na level-up na ang kanyang status bilang aktor.

“Pagdating sa mga taping, nagugulat ako na almost kasama ako sa every scene. Kasi nasanay ako na hindi ako kasama every scene. So, medyo nabigla ako dito,” sey ni Joao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsisimula na sa darating na Lunes, June 10 ang “Padyak Princess,” 11:15 a.m. bago mag-“Eat Bulaga” sa TV5. Kasama rin dito sina Ara Mina, Ces Quesada, Christian Vasquez, Cris Villanueva, Yayo Aguila, Gillian Vicencio, Jem Manicad, Karissa Toliongco, Kira Balinger, David Remo at Miel Espinoza.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending