Iza Calzado inalala ang yumaong ama ngayong Father’s Day

Iza Calzado inalala ang yumaong ama ngayong Father’s Day: ‘Forever a daddy’s girl’

Pauline del Rosario - June 19, 2023 - 01:12 PM

Iza Calzado inalala ang yumaong ama ngayong Father’s Day: ‘Forever a daddy’s girl’

PHOTO: Instagram/@missizacalzado

INALALA at nagbigay-pugay ang award-winning actress na si Iza Calzado sa yumaong ama at TV director-choreographer na si Lito Calzado ngayong Father’s Day.

Para sa mga hindi pa masyadong aware, ito ang ika-12th year na nagdiriwang ng Father’s Day ang aktres na hindi kasama ang kanyang tatay.

Kung matatandaan, noon pang November 2011 nang pumanaw si Lito dahil sa liver cancer.

Sa pamamagitan ng Instagram, lubos na nagpasalamat si Iza sa kanyang ama dahil sa ibinigay na pagmamahal.

“Thank you for always wrapping me in your warm, sweet and comforting embrace,” mensahe niya sa post.

Ayon pa sa aktres, si Lito ang naging dahilan kaya nabibigyan niya ng “genuine love” ang kanyang anak na si Deia Amihan.

“You taught me how to express love so genuinely and I am able to show my child so much love because I learned from the best,” paliwanag ng aktres.

Dagdag pa niya, “I love you! [heart emoji].”

Baka Bet Mo: Iza Calzado chinika kung bakit ‘Deia Amihan’ ang ipinangalan sa anak

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Iza Calzado Wintle (@missizacalzado)

Matatandaan noong Enero, ilang araw bago niya ipanganak ang kanyang first baby, ay nagpaabot din ng birthday message si Iza para sa kanyang ama.

Sa naturang post, hiniling niya kay Lito na lagi silang gabayan at bantayan ng kanyang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Iza Calzado Wintle (@missizacalzado)

Noong nakaraan buwan naman, ibinahagi ni Iza sa kanyang panayam sa “Magandang Buhay” na namana ni Baby Amihan ang energy ni Lito at dahil daw dito ay madalas niyang maalala ang kanyang ama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Celeste Cortesi emosyonal sa pagpapasa ng korona sa mananalong Miss Universe PH 2023, inalala ang mga hirap, sakripisyo bilang beauty queen

Ruffa naloka sa sinabi ni Yilmaz nang muling makita ang 2 anak: ‘Wag kang mag-alala next mo silang makikita after 15 years din’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending