Ruffa naloka sa sinabi ni Yilmaz nang muling makita ang 2 anak: ‘Wag kang mag-alala next mo silang makikita after 15 years din' | Bandera

Ruffa naloka sa sinabi ni Yilmaz nang muling makita ang 2 anak: ‘Wag kang mag-alala next mo silang makikita after 15 years din’

Ervin Santiago |June 22,2022
facebook
share this

Ruffa naloka sa sinabi ni Yilmaz nang muling makita ang 2 anak: ‘Wag kang mag-alala next mo silang makikita after 15 years din’

Ervin Santiago - June 22, 2022 - 11:11 AM

Yilmaz Bektas, Ruffa Gutierrez, Lorin at Venice

“NO family is perfect. Ang importante we do our best for our kids.”

Yan ang ipinagdiinan ng aktres at dating beauty queen na si Ruffa Gutierrez nang mapag-usapan ang mga pinagdaanan niya bilang single parent nina Lorin at Venice.

Nasa Istanbul, Turkey ang dalawa niyang anak kasama ang kanilang amang si Yilmaz Bektas. Doon sila nag-celebrate ng Father’s Day na nagsilbi ring reunion ng mag-aama makalipas ang 15 taong hindi pagkikita.

Nakasama rin doon ng mga anak ni Ruffa ang isa pang daughter ni Yilmaz na si Ilknaz Bektas na siyang nag-post ng mga pictures nilang mag-aama na kuha sa kanilang Father’s Day dinner.

“We are so lucky to have you in our lives Happy Father’s Day,” ang caption ni Ilknaz sa kanyang Instagram post.

Comment ni Lorin, “So so so blessed (white heart emoji).”

Tatlong white heart emojis din ang ipinost ni Venice sa comments section ng IG photo ng kanilang kapatid sa ama. At in fairness, pinusuan din ito ni Ruffa with three red heart emojis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)


Ni-repost din ng aktres at TV host sa kanyang Instagram Story ang Father’s Day celebration ng mag-aama. “Last 2 days in Turkiye!” aniya sa caption dahil pauwi na raw sa Pilipinas ang mga anak.

Samantala, sa nakaraang episode ng “It’s Showtime” naikuwento ni Ruffa ang pag-uusap nila ng kanyang ex-husband.

“Oy, mga bata, umuwi na kayo dito, hello!” ang birong chika ni Ruffa sa pagbabakasyon ng mga anak sa Istanbul kasama ang kanilang Turkish father.

Pagpapatuloy ni Ruffa, “Sabi nila, ‘Ma, can we extend?’ Sabi ko, ‘No!’

“My God, nagbiro pa yung tatay. Sabi pa naman, ‘Ay, I didn’t see them for 15 years. ‘Wag kang mag-alala for 15 years din…next mo sila makikita after 15 years din.’ Sabi ko, ‘Ganun?’” kuwento pa ng aktres.

Ayon pa kay Ruffa, napakaraming nagpapadala ng message sa kanya na nagsasabing super relate sila sa pinagdaanan niya bilang nanay pati na rin sa sitwasyon nina Venice at Lorin.

“You know what, napakarami pala ang dumadaan sa mga dinadaanan ko ngayon.

“Sabi nila, ‘Oh my God, I wish na makilala ko rin yung tatay ko. It’s been so long.’ So, maraming mga ganyang mga kuwento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And we’re not alone. So everybody has different pains within the family. No family is perfect. Ang importante we do our best for our kids,” pagbabahagi pa ni Ruffa.

Dating asawa ni Ruffa Gutierrez muling nakasama ang dalawang anak na sina Lorin at Venice

Hugot ni Ruffa para sa 18th b-day ni Lorin: Wag munang mag-boyfriend! Gosh, I sound like my mom!

Anak ni Ruffa pinainit ang socmed sa pasabog na bikini photo: Nag-shorts ka pa!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending