Ogie gustong sabitan ng pera ang nagtapos na anak, pero...

Ogie sa nagtapos na anak: Gusto kitang sabitan ng money garland, pero…

Reggee Bonoan - June 05, 2024 - 12:15 AM

Ogie sa nagtapos na anak: Gusto kitang sabitan ng money garland, pero...

Ogie Diaz, Georgina at Georgette

NAGTAPOS na ng elementarya ang ikaapat na anak ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz na si Georgina.

Pero hindi ito sinabitan ni Ogie ng money garland bilang regalo sa pagtatapos ng anak dahil ayaw niyang pagtinginan sila.

Sa larawang ipinost ni Ogie kasama ang anak na si Georgina at nanay nitong si Georgette sa kanyang Facebook account ay sobra silang proud parents dahil sa citations na natanggap ng anak.

Ang caption ni Ogie, “Georgina, anak, congratulations! Senior High School ka na!

Baka Bet Mo: Zoren umaming may kakaibang nangyari sa kanya sa taping ng ‘Apoy Sa Langit’: Wala akong itinago sa kanilang lahat…

“Gusto sana kitang sabitan ng money garland kasi ‘yun ang uso ngayon at ‘yun ang naba-viral, pero pinili kong ‘wag na.

“Unang-una, ang mental health mo ang concern ko. Ayokong mag-grandstanding ang daddy mo. Kaya ko namang magpagawa ng maraming ganyan hanggang sa matabunan na ng pera ang mukha mo.

“Pero ayaw kong pagtinginan ka ng mga kaklase mo at gusto kitang bigyan ng kahihiyan kahit hindi mo hingin. Ikaw naman ang iniisip ko, hindi ang kayabangan ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Diaz (@ogie_diaz)


“Ayokong gawin ‘yong money garland viral, tapos, makikita ko lang na mapakla ang ngiti mo kasi hiyang-hiya ka sa pagpapapapansin ng daddy mo na gusto lang ma-viral.

Baka Bet Mo: Donny, 2 kapatid sabay-sabay na nagtapos sa college, Maricel, Anthony super proud parents: ‘Sa wakasssss!’

“Gusto kong makita sa mukha mo ang sincere na ngiti. Habang proud parents lang kami ng mama mo.

“Yun lang naka-graduate ka ay sapat na. At moment mo yan, hindi namin yan aagawin sa ‘yo,” aniya pa.

Parating sinasabi ni Ogie na ang lagi niyang concern ay ang mental health ng mga anak kaya hinahayaan niyang mamili ang mga ito kung ano ang gusto.  Support lang sila ni Georgette.

Wala ring pressure na bigyan sila ng mataas na grades ang tanging hiling lang ay makapasa at maayos ang kanilang pag-aaral.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Congratulations proud parents, Ogie and Georgette at siyempre kay Georgina.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending