Gelli nilibre ng ‘special’ son ni Candy, pinambayad ang alkansya

Gelli naantig sa ‘special’ son ni Candy, nanlibre gamit ang ‘piggy bank’

Pauline del Rosario - June 01, 2024 - 11:40 AM

Gelli naantig sa ‘special’ son ni Candy, nanlibre gamit ang 'piggy bank'

PHOTO: Instagram/@gellidebelen

TILA natunaw ang puso ng aktres na si Gelli de Belen sa naging sweet gesture sa kanya ni Quentin, ang anak ng komedyana na si Candy Pangilinan na na-diagnose ng autism.

Nagdiwang kasi ng birthday si Gelli at bilang regalo ng kanyang inaanak, nag-aya itong kumain sa labas.

Ang nakakatuwa pa, si Quentin ang nanlibre sa kanila kung saan ang ipinambayad niya ay ‘yung mga naipon niyang pera mula sa kanyang “piggy bank” o alkansya.

Sa Instagram, ibinandera ni Gelli ang masayang birthday celebration niya sa isang restaurant kasama ang mag-ina, pati ang kapatid niyang aktres na si Janice de Belen.

“This big boy has to be the sweetest,” sey ni Gelli sa post.

Baka Bet Mo: Candy Pangilinan ibinuking ang anak na si Quentin, huling-huling tulog habang nasa online class

Kwento niya, “Quentin knew it was my birthday so he told his Mom na kakain daw kami sa Shakey’s, favorite niya Hawaiian pizza, tsaka ‘yun daw kaya ng budget niya.”

“So right before going, nilabas niya ang kanyang piggy bank because that is what he will use to pay at ‘yun mismo ang dala niya sa lunch,” patuloy pa ng aktres.

Bukod daw diyan, niregaluhan pa siya ni Quentin ng tsokolate, rosaryo mula sa kwarto ng lola nito, at isang liham.

“My [heart] is so full of gratitude for this thoughtful boy,” wika ni Gelli.

Mensahe pa niya sa kanyang inaanak, “Ninang loves you, Quentin!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gelli de Belen-Rivera (@gellidebelen)

Sa comment section, bumuhos ang mga pagbati mula sa kapwa-celebrities para kay Gelli at kasabay niyan ay ang kanilang mga paghanga kay Quentin.

Lahad ni Iza Calzado, “Happy Birthday, Ate!!! Quentin, thank you for showing us pure love!!! [red heart emojis]”

Komento naman ni Eugene Domingo, “Happy birthday!!! And good job Q!!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Saad ni Donita Rose, “Awwwww….it doesn’t get anymore sincere and pure than that.”

Taong 2003 nang maging single mom si Candy sa kanyang anak na si Quentin matapos hiwalayan ang dating non-showbiz husband.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending