Zoren umaming may kakaibang nangyari sa kanya sa taping ng ‘Apoy Sa Langit’: Wala akong itinago sa kanilang lahat…
GRABE pala ang nangyari kay Zoren Legaspi sa lock-in taping ng nagtapos nilang teleserye sa GMA 7 na “Apoy Sa Langit” na talagang sinubaybayan ng manonood mula simula hanggang ending.
In fairness, itinuturing na highest-rating at most-viewed drama series ng GMA 7 sa taong ito ang “Apoy Sa Langit” sa direksyon ni Laurice Guillen, na nagtapos na nga last Saturday na napakataas ang rating.
Sa isang panayam, natanong ang Kapuso actor at TV host kung sino sa dalawang leading lady niya sa serye ang mami-miss niya – si Maricel Laxa ba na gumanap na misis niya o si Lianne Valentin, ang kanyang kabit?
“Marami kasing kuwento sa, alam mo almost half a year kaming magkakasama, e, so maraming kuwento talaga, kulang yung isang Zoom meeting natin.
“Marami akong puwedeng isagot, pero ang napili kong isagot is mami-miss ko yung how, kung paano ako,” simulang sagot ni Zoren.
Dugtong pa niya, “Kasi, okay, may mga transition yung mga characters namin and also yung mga personal namin kasi medyo, I mean I totally open up with this group.
View this post on Instagram
“Nakita nila kung paano ako kakengkoy, they saw me na parang, ‘Wala naman pala itong si Zoren, madaldal lang, he’s all bark but he doesn’t bite!’
“You know, ‘A, ganu’n lang pala yung init ng ulo niyan, nag-iinit-initan lang pala ng ulo iyan.’
“So nakita nila yun. I don’t normally show kung sino talaga ako. I always have a wall when I’m working. With this group, kaya siguro ako nag-enjoy because it was totally me.
“Kung ano yung nakita nila du’n sa set, it was Zoren, it was really me. Wala akong itinago,” paliwanag ng husband ni Carmina Villarroel.
Pagbabahagi pa ng tatay nina Mavy at Cassy Legaspi, “Kahit sa mga ibang shows, you know, after a scene, I go back to my van and stay there and then they will call me, and I go back, perform, and then I go back in.
“Pero dito, nakikipag-usap ako, nakikihalubilo ako, lumalabas ako pag day-off kasi pag day-off sa kabilang show, hindi niyo ako makikita, nandun lang din ako sa kabila.
“You know, I’ll be on the phone talking to someone, pero dito bihira ako na nasa phone, lagi ako with them talking, with Lianne, sila Mikee, ayan sila Maricel, si Mariz.
“Yeah mami-miss ko yung for just being myself and not trying to pretend na ito ako.
“So iyon lang, it’s gonna be, you know, it’s emotional, it’s very emotional for me dahil bihira akong magkaroon ng connection sa mga katrabaho ko sa industriya.
“And it’s also, mahirap magkaroon ng connection with the production and artista, at the same time. Pero iyon yung nangyari sa akin dito sa show na ito.
“Nagkaroon ako ng connection sa lahat ng production at sa lahat din ng artista, connected ako,” litanya pa ni Zoren.
Bukod kina Maricel at Lianne, nakasama rin ni Zoren sa naturang serye sina Mikee Quintos, Mariz Ricketts, Carlos Siguion-Reyna, Dave Bornea at Patricia Ismael.
https://bandera.inquirer.net/312399/mikee-quintos-pasado-na-bilang-ultimate-leading-lady-tanggap-ng-fans-kahit-sino-ang-ka-loveteam
https://bandera.inquirer.net/312383/mariz-ronnie-ricketts-nagkahiwalay-bilang-mag-asawa-makalipas-ang-28-taon-ito-po-yung-challenge-sa-amin
https://bandera.inquirer.net/321684/estudyanteng-nagtapos-sa-university-of-antique-nag-viral-dahil-sa-kanyang-resi-bouquet
https://bandera.inquirer.net/312813/ai-ai-hindi-nagsisisi-sa-pag-uwi-ng-pinas-para-sa-raising-mamay-apoy-sa-langit-nagpasabog-agad
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.